Task Force Maliwakat:Binuo para sa mga nawalan ng bahay
Olongapo City- Isang Task Force ang binuop ngayon n autos ni Mayor James “Bong” Gordon Jr. na aasikaso sa mga pamilyang naapektuhan ng demolisyon kahapon sa Sitio Maliwakat, Brgy. New Cabalan
Isa sa mahigpit na atas ni Mayor Gordon sa task force ang maghanap at mag-rekomenda ng relocation site para sa mga kwalipikadong pamilya.
“Tiyakin rin ninyona may pagkain at pansamantalangmasisilungan ang mga naapektuhan ng demolisyon,” bilin ni Mayor Gordon mula sa California, U.S.A. kung saan nakatakdang selyohan ang sisiter-hood pact ng Olongapo at National City.
Ang Task Forceay binubuo nina Arch. Tony Karl Balde III ng City Planning & Development (CPDO), Gene Eclarino ng City Social Welfare & Development Office (CSWD), Oscar Agustin ng Assessor’s Office, Engr. Narciso Martinez ng Engineering Office, Aileen Sanchez ng Livelihood & Cooperative Development (LCD) at Vic Vizcocho Jr. ng Public Affairs Office (PAO).
Ang demolition ay ipnatupad sa pangunguna ni Sheriff Alex Rimando batay sa utos ni Judge Ramon Caguioa ng RTC branch 72.
Una ng pinagtibay ni Judge Ramon Caguioa ang nauna ring desisyon ng MTC #5 na kumatig sa Boy’s Town at Girl’s Home sa usapin ng pag-aaring may 20 Hektaryang lupain sa Sitio Maliwakat.
“Hindi mapipigil ang demolition order ng korte kundi ng isang order rin mula sa korte,” paglilinaw ni Vic Vizcocho, Jr. ng City Public Affairs Office” lalo pa’t ito’y usapin sa pagitan ng mga pribadong entitiesna umabot at dinisisyunan sa korte.”
Gayunman, ipinag-utos nga ni Mayor Gordon ang pagtitiyak na mabibigyang pansin ang kalagayan ng mga pamil

0 Comments:
Post a Comment
<< Home