Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Wednesday, January 25, 2006

Kustodya sa 4 GI’s hawak ng gobyerno

Ang Pilipino STAR Ngayon 01/24/2006

Naniniwala si Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. na nasa kamay pa rin ng gobyerno partikular na ang Department of Justice (DOJ) at Department of Foreign Affairs (DFA) nakasalalay kung mapupunta sa custody ng bansa ang apat na Amerikanong sundalo na inakusahang nanggahasa sa isang 22-anyos na Pinay.

Ayon kay Pimentel, may hawak na alas ang gobyerno para makuha ang custody ng apat na sundalo, at ito ay ang paggiit ng prosecutors na ilipat sa custody ng Olongapo City Regional Trial Court sakaling humarap na sa arraignment ang apat na akusado.

Aniya, pwede itong gawin ng gobyero at hindi naman ito makakahadlang sa mga alituntunin ng Visiting Forces Agreement (VFA).

Sinabi pa ni Pimentel, hindi din daw napapanahon ang pagrebisa ng VFA sa pagitan ng US at ng Pilipinas dahil malaki ang posibilidad na masakripisyo ang kaso ng apat na Amerikano.

Bagama’t pabor ang Senate Minority Leader sa pagrebisa, sa isyu ng criminal jurisdictions sa mga Amerikanong sundalo, naniniwala ito na isa sa mga tumutol ng VFA noong 1999 na maapektuhan nito ang kaso ng apat na sundalo.

Ibinasura din ni Pimentel ang panukala na tawagan ni Pang. Gloria Macapagal-Arroyo si US Pres. George W. Bush para pagbigyan ang pabor ng bansa na ilipat sa custody natin ang akusado. (Rudy Andal)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012