Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Friday, February 10, 2006

4 GI Joes ihaharap ng US

Ang Pilipino STAR Ngayon

Sa takot na tuluyang ibasura ang Visiting Forces Agreement (VFA) ay siniguro kahapon ng Estados Unidos na padadaluhin nila ang apat na sundalong Kano na akusado sa Subic rape case sa arraigment ng kaso nito.

Sinabi ni Sen. Miriam Defensor-Santiago, chairman ng Legislative Oversight Committee on VFA, tiniyak sa komite ni US Charge d’ Affaires Paul Jones na dadalo ang apat na sundalo sa sandaling ipatawag ang mga ito ng korte kaugnay ng kasong panggagahasa na isinampa ng isang 22-anyos na Pinay.

Hiniling ng komite kay Jones na dapat maging patas ang US government sa pakikitungo sa Pilipinas kaugnay sa mga probisyon sa VFA partikular sa custody issue tulad ng naging kasunduan nito sa ibang bansa.

Dahil dito, sinabi ni Sen. Gordon na wala ng dapat ipangamba ang US officials na maaresto pa ang kanilang mga sundalo matapos bawiin ng korte ang ipinalabas nitong warrant of arrest laban sa mga ito.

Nakasaad sa VFA na dapat matapos ng korte ang kaso sa loob ng isang taon. (Rudy Andal)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012