Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, March 16, 2006

BAGONG INVESTOR SA SBMA,MAGBIBIGAY NG MARAMING TRABAHO

Isang malaking oportunidad sa trabaho ang naghihintay sa mga taga-Olongapo at karatig-lugar dahil sa bagong investor sa Subic Bay Freeport Zone.

Kamakailan ay nagpirmahan na ng kontrata sa pagitan ng Hanjin Heavy Industries and Construction Co. (HHIC) ng South Korea at Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA). Ito ay naganap sa Malakanyang nitong Pebrero 28, 2006 na sinaksihan mismo ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at Mayor James “Bong” Gordon Jr.

Ang Hanjin na isang malaking international shipyard company ay mamumuhunan ng US$1Bilyon sa darating na sampung taon para sa konstruksyon ng isang steel fabrication shipyard sa 230 ektaryang lupa ng Subic Freeport na sakop ng Lease Agreement nito sa SBMA. Inaasahan na matatapos ang shipyard sa taong 2016.

Ang investment na ito ay magbibigay ng malaking oportunidad sa trabaho na tinatayang aabot sa 30,000-40,000 blue-collar jobs. Ang unang labor requirement nito ay aabot sa 7,000 skilled workers.

Agaran namang inatasan ni Mayor Bong Gordon ang Olongapo City Labor Center upang paghandaan ang naturang job requirement. Nagbigay na ito ng iskedyul para sa pagsasagawa ng dalawang-araw na Job Fair Festival sa Marso 31 at Abril 1 para sa manpooling ng mga interesadong makapasok ng trabaho dito.

Personal na nakipag-ugnayan si Mayor Gordon sa TESDA para sa pagsasagawa ng libreng training ukol sa welding nang sa gayon ay dumami ang mga skilled workers upang maging qualified sa mga job requirements ng Hanjin. Mismong mga kinatawan ng Hanjin ang magsasagawa ng recruitment sa magaganap na Job Fair Festival.

Olongapo City Public Affairs Office

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012