Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, March 02, 2006

MAMAMAYAN, BINALAAN SA MGA NAKAKABAHALANG MGA TEXT MESSAGES

'Ang mga nakakabahalang text messages na kumakalat ngayon tungkol sa sunud-sunod na panggagahasa at pagpaslang sa mga kababaihan tulad ng sa Club Morocco, dalawang highschool student ng St. Joseph College at isang empleyada ng OMRON Mechatronics sa Subic Freeport ay pawang lahat na walang katotohanan.' Ang klaripikasyong ito ay sinabi ni Mayor James 'Bong' Gordon Jr. sa kanyang lingguhang programa sa radyo, ang 'Mayor's Corner' sa DWGO-AM radio station nitong Pebrero 18, 2006.

'Ang mga walang-magawang mabuti na nagkakalat ng text messages na ito ay sumasakay sa nangyaring nakapanlulumong 'Fajardo-Fantasia Incident' at ang nagresultang takot na ito ay maaaring magdulot ng panic at guluhin ang normal na pamumuhay ng lipunan', ayon naman kay Olongapo PNP City Director Flor Buentipo.

Marami na ang nabiktima ng mga mapanlinlang na mga text messages na ito. Ngunit ang karamihan pa ng mga nakatanggap ay nagiging kasabwat pa upang manakot na mas marami pang iba dahil sa pagpasa sa iba ng mga nakakabahalang mensahe, dagdag pa ni Buentipo.

Upang makasiguro at hindi mabiktima, maaaring makipag-ugnayan ang mga mamamayan sa mismong opisina ni Mayor Gordon sa telepono: 222-2206, 222-2232 o 223-2040. 'Dapat din na maging mapanuri tayo at alamin kung sino ang orihinal na nagpapakalat nito. Kaysa ipasa ang mensahe sa iba at makabiktima rin, mas mabuting i-verify muna ang mensahe sa Kapulisan o sa Mayor's Office sapagkat walang mabuting idudulot ang pananakot na ito,' ayon pa kay Mayor Gordon.

Kamakailan pa ay may isa pang bagong mensaheng kumakalat ukol sa kultong 666 na nananalasa sa lipunan upang manggahasa ng 666 kababaihan at kumuha ng mga kabataang iaalay nito sa Hunyo 6, 2006. May iba-iba pang version ang text message na ito tulad ng pagkukumbinse sa mga magulang na huwag ng papasukin ang mga anak sa paaralan at maging si Subic Mayor Khonghun umano ay pinatigil na ang ilang mga klase sa Subic. Ang iba pang mensahe ay nagtutukoy pa ng paggamit ng kulto ng isang pampasaherong blue jeepney, puting van at isang owner-type jeep na pulos mapanirang akusasyon.

Binalaan ni Mayor Gordon na sasampahan ng kasong kriminal ang sinumang mapatunayang nanggugulo sa pamamagitan ng pangangalat ng mga walang katotohanang mensaheng ito.

'Huwag po sanang mag-alala ang mga taga-Olongapo dahil lalo pa pong naghigpit ng pangangalaga ang Kapulisan para sa kaligtasan ng mamamayan ayon na rin sa mahigpit na kautusan ni Mayor Bong Gordon,'' paniniyak ni Police Director Buentipo sa mga taga- Olongapo.

Olongapo City Public Affairs Office

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012