Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, March 16, 2006

“MEGA BONANZA SALE” SA LUNGSOD, ISASAGAWA SA SUMMER SAYA FESTIVAL

Sa darating na Abril, damang-dama na ang summer. Kung kaya’t sa atas ni Mayor James “Bong” Gordon Jr., naghahanda na ang lungsod sa mga aktibidad na mag-aanyaya sa malaking bilang ng mga turista at bisitang dadagsa sa lungsod para mag-beach at mamasyal, lalo pa’t panahon ito ng bakasyon.

Partikular na pinaghahandaan ng Olongapo Tourism Department ang “Summer Saya Festival 2006” sa darating na Abril 7-9, 2006.

Kaugnay naman ng laging paalala ni Mayor Gordon na “tourism means jobs”, ang lahat ng negosyante ay pinaghahanda na rin.

Kaya nga’t para engganyuhin ang mga establisyimento, muling isinulong ni Kgd. Gina Perez, committee chairman on Tourism, ang pagtatalaga ng tatlong araw na “Mega Bonanza Sale” sa Abril 7, 8 at 9, 2006 kung saan ang lahat ng mga negosyo sa lungsod ay aanyayahan na magsagawa ng mga promotional sales.

“Naniniwala akong hahatak ng maraming mga mamimili, maging residente man o bisita, kung sabay-sabay na magkakaroon ng mga sale sa mga tindahan sa Olongapo City Mall, ang mga department stores, maging mga beauty shops, disco at restaurants sa lungsod,” ani Perez.

Kaalinsunod din nito, hiniling rin ni Kgd. Perez na i-waive na ang permit ng business promotion sa Depatment of Trade & Industry (DTI) upang sa gayon ay hindi na maabala ang mga negosyo na nais na makilahok sa magandang pagkakataon ng negosyo.

Olongapo City Public Affairs Office

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012