Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, March 02, 2006

US$1-B shipyard itatayo sa SBMA

Ang Pilipino STAR Ngayon

SUBIC BAY FREEPORT – Pormal na nagkasundo ang pamunuan ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) at Hanjin Heavy Industries and Construction Co. (HHIC) ng Korea para sa konstruksyon ng 2.3-milyong square meter shipyard sa nabanggit na Freeport.

Ayon kay SBMA Chairman Felicito Salonga, ang US$1-bilyon kasunduan para sa konstruksyon ng shipyard ay nakatakdang umpisahan sa buwan ng Abril 2006 sa may 230-ektaryang lote sa bahagi ng Redondo Peninsula sa loob ng Freeport Zone at magkakaroon ng may 30, 000 direct at indirect job opportunities.

Ang naturang proyekto ng SBMA at Hanjin ay kabilang din sa itinatayong bagong container port sa ilalim ng Subic Port Development Project at maging ng Subic-Clark Toll Road Project na kapwa pinuhunanan ng Japan Bank for International Cooperation (JICA).

Ang paglagda nina SBMA Chairman Salonga at Administrator Arreza sa nasabing kasunduan sa pangunguna nina Jeong Sup Shim at Myung Goo Kwon ay personal na sinaksihan mismo ni Pangulong Arroyo.

Nabatid na ang pagtatayuan ng shipyard ay mainam para sa paggawa ng liquefied natural gas carrier ships, mala-higanteng crude-oil carriers at offshore drilling rigs.

"We are very excited to start work on this project. We believe that we have chosen a very good site. We feel that Subic is the most ideal location for a site that will carry gas carriers and offshore drilling rigs," pahayag ni Shim, presidente ng HHIC.

Inaasahan na kikita ang SBMA ng US$ 6.52-bilyon sa 2006 sa pag-umpisa pa lamang ng kanilang operasyon. (Jeff Tombado)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012