108th INDEPENDENCE DAY, IPINAGDIWANG NG ‘GAPO
Muling nagka-isa ang mamamayan ng Olongapo sa isinagawang selebrasyon ng ika-108 taon ng Araw ng Kalayaan nitong ika-12 ng Hunyo 2006 na sinimulan sa pamamagitan ng pagtataas ng bandila sa harap ng bantayog ng pambansang-bayani sa Rizal Park ng lungsod.
Sa pamamagitan ng isang maikling animo’y theater presentation ng Masonic District III-C na nagpakita ng pagpapahalaga at paggalang sa bandila ng bansa ay buong layang inawit ang Lupang Hinirang sa pangunguna ng City Government Choir sa saliw naman ng tugtugin ng Olongapo City Brass Band.
Pagkakaisa para sa bayan ang naging sentro ng Independence Day message ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. sa harap ng mga naki-isang city government officials at employees, DepED Officials at staff, civic organizations at ng Federation of Senior Citizens’ of the Philippines-Olongapo City Chapter.
Matapos ang Flag Raising Program ay sumunod ang isang makulay na Independence Day parade na sinimulan sa kahabaan ng Ramon Magsaysay Drive hanggang sa Rizal Triangle Covered Court na umabut sa mahigit isang libong (1,000) residente ng lungsod ang nakilahok.
Muli ay pinangunahan ni Mayor Bong Gordon kasama sina First Lady Anne Marie Gordon, city government officials at ni PNP City Director Sr./Supt. Angelito Pacia ang unang hanay ng parada at sinundan naman ito ng malaking bulto ng mga mag-aaral.
Maging ang samahan ng mga manininda sa lungsod ay buong pwersa ring nakiisa sa parada bilang pakikilahok hawak ang mga maliliit na bandilang iwinawagaygay sa kanilang pagdaan sa viewing-stand kung saan nakaabang si Mayor Gordon para batiin ang mga
Ang paggunita sa Araw ng Kalayaan ngayong taon ay inorganisa ng City Fiesta Committee sa pangunguna ni Kgd. Marey Beth Marzan at sa pakiki-isa ng Dept. of Education, PNP-Olongapo at sa agapay na rin ng ibat-ibang sector at ahensya ng lungsod.
Olongapo City Public Affairs Office

0 Comments:
Post a Comment
<< Home