Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Friday, June 23, 2006

ROTARY CLUB INDUCTION of OFFICERS

ROTARIANS: Ang mga bagong halal na opisyales ng Rotary Club of Olongapo kasama si Mayor Bong Gordon sa kanilang isinagawang Induction of Officers nitong ika-20 ng Hunyo 2006 sa Max’s Restaurant.


INDUCTION of OFFICERS ng
ROTARY CLUB OF OLONGAPO, TAGUMPAY

Naging matagumpay ang Induction of Officers ng Rotary Club of Olongapo na ginanap nitong Hunyo 20, 2006 sa Max’s Restaurant.

Dinaluhan ito ng District Governor ng RI District 3790 na si Florentino “Bishop” Cinense, ang kauna-unahang obispong namuno sa distrito ng Rotary International, na siyang nagsagawa ng panunumpa sa katungkulan ng mga bagong opisyales. Kinilala ang mga bagong opisyales ng Rotary Club of Olongapo sa pangunguna ng Presidente nitong si “Ute” Urbano. Dumalo din dito si Mayor James “Bong” Gordon Jr. na isa sa mga Past Presidents ng organisasyong ito.

Ang Rotary Club of Olongapo ang pinaka-unang Rotary Club sa lungsod na naitatag noon pang 1959. Kinikilala ang Rotary Club sa buong mundo bilang isang mapitagang civic organization kung saan binubuo ito ng mga miyembro na karamihan ay mga negosyante o propesyonal na naglalayong tumugon sa mga pangangailangan ng lipunan. Kaya nga’t buhay at totoo ang “Service above Self” na siyang international motto sa bawat proyektong pinag-uukulan ng panahon at pondo ng Rotary Club.
City Public Affairs Office

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012