Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Monday, August 07, 2006

CITY FIESTA EXECOM ORGANISADO NA!


Sa kauna-unahang pagkakataon ay ipinakilala na ang bumubuo ng 2006 City Fiesta Executive at Standing Committes sa FMA Hall nitong ika-3 ng Agosto 2006. Ang pulong na dinaluhan ng mahigit isandaang (100) attendees ay pinangunahan ni 2006 City Fiesta Chairperson at First Lady Anne Marie Gordon.

Nangibabaw ang suportang ipinakita ng buong komitiba dahil sa walang patid na palitan ng ideas buhat sa ibat-ibang sector ng lungsod tulad nang sa business, education, NGOs at barangay at lokal na pamahalaan.

’Bagamat maganda at maayos ang mga nakaraang City Fiesta ng lungsod ay higit pa natin itong isasaayos para sa mamamayan ng Olongapo at higit pang maiangat ang turismo natin,’’ wika ni City Fiesta Chairperson Anne Gordon.

’Marami tayong ibat-ibang activities na gagawin upang sa gayo’y makalikom tayo ng pondo na mabibiyayaan ang Olongapo,’’ dagdag pa ng Chairperson.


Nilatag na rin ng Executive Committee ang line-up ng City Fiesta activities. Una na ay ang paghahanap sa susunod na tatanghaling City Fiesta Queen kung saan ang 1st Canvassing ay gaganapin sa October 27, 2006 sa Rizal Triangle Covered Court, 2nd Canvassing November 29, 2006 sa Olongapo City Convention Center, 3rd Canvassing sa December 22, 2006 at ang makulay na Coronation Night.

Maging ang gaganaping grandiosong City Fiesta Parade ay sinimulan na ring ilatag kabilang na ang konsepto nito na sesentro sa Ulo ng Apo. ‘’Lahat tayo ay magtulungan upang sa gayong magkaroon tayo ng maayos at masiglang City Fiesta,’’ ayon pa kay City Fiesta Chairperson Gordon.

Ang mga sumusunod ay ang bumubuo ng 2006 City Fiesta Executive Committee:

Ms. Anne Marie Gordon - Chairperson
Councilor Cynthia Cajudo - Co-chairperson
Iluminada Santos - Treasurer
Linda Lim - Asst. Treasurer
Johnny Choa - Auditor
Victor Yee - Business Managers
Sammy del Rosario
Henry Basobas
Relly Javier
Frank Lacso
Renato Wong - Advertising/Marketing
DianneMarty Coordinators
Norbie del Mundo - Advisers
Eliseo de Guzman

Ang executive at standing committees ay regular na magpupulong upang sa gayon ay mapag-usapan pa ang mga paparating na City Fiesta Activities.

Pinangunahan ni 2006 City Fiesta Chairperson at First Lady Anne Marie Gordon ang pulong ng mga bumubuo ng City Fiesta Executive at Standing Committees nitong ika-3 ng Agosto 2006 sa FMA Hall. INSET: Sa kanang bahagi ni First Lady Anne ay si 2006 City Fiesta Co-chair at Kgd. Cynthia Cajudo samantalang sa kaliwang bahagi naman ay si Liezl Elica, miembro ng 2006 City Fiesta Secretariat.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012