IKALAWANG HIRIT NG BARANGAY OFFICERS SEMINAR-WOKSHOP
Pinangunahan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang ikalawang grupo ng Enhancement Seminar-Workshop on Katarungang Pambarangay nitong ika-2 ng Agosto 2006 sa FMA Hall.
Ang 2nd part ng seminar-workshop ay dinaluhan ng natitirang siyam (9) sa labinpitong (17) mga barangay sa lungsod na kinabibilangan ng Brgy. New Cabalan, New Ilalim, New Kababae, New Kalalake at Old Cabalan.
Kasama rin ang barangay ng Pag-asa, Sta Rita, West Bajac-Bajac at West Tapinac. Mga brgy. treasurer, lupon officers at chief tanod na umabot sa mahigit isandaang (100) attendees ang dumating.
Mistulang mga mag-aaral ang mga sumailalim na barangay officers at tumayong guro naman ang mga DILG Officers sa pangunguna ni DILG City Dir. Eliseo de Guzman, Gilbert Cardona, Honorio Castillo at Atty. Raymond Viray buhat sa City Prosecutors Office.
Layunin ng seminar-workshop na ipaalaala sa mga barangay officers ang kanilang mga duties and responsibilities kaugnay sa mabilis at maayos na pagpapatupad ng katarungang pambarangay.
Samantala, sumentro ang mensahe ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr., sa limang (5) kadahilanan upang patuloy na gampanan ng mga barangay officers ang kanilang tungkulin
’Ang pagdating ng ibat-ibang mga proyekto sa Subic Bay Freeport Zone (SBFZ) ay isang malaking biyaya para sa Olongapo. Sisiguraduhin ko na magiging prayoridad ang mga residente ng lungsod na makakuha ng trabaho sa Freeport,’’ wika ni Mayor Bong Gordon.
’Ang mga kompanya ng Hanjin, Cojen, Herbay at ang proyektong Subic-Clark-Tarlac Road at Seaport ay mangangailangan ng malaking bulto ng manggagawa. Kaya dapat ay ipaalam ninyo ito sa inyong ka-barangay,’’ dagdag pa ni Mayor Gordon.
Kinilala rin ni Mayor Gordon ang galing ng Brgy. Sta Rita, Old Cabalan, New Cabalan at Barretto bilang mga Lupon Tagapamayapa Awardee. ‘’Sundan ninyo ang sinimulan ng mga barangay na ito. Meron na kayong pattern dapat lamang ay tularan ang kanilang nasimulan,’’ pagtatapos ni Mayor Gordon.
Matatandaan na una nang sumailalim sa naturang seminar-workshop ang walong (8) barangay ng lungsod na kinabibilangan ng Brgy. Asinan, Banicain, Barretto, Gordon Heights, East Bajac-Bajac, East Tapinac, Kalaklan at Mabayuan nitong ika-24 ng Hulyo 2006
0 Comments:
Post a Comment
<< Home