68 Welder Trainees ng Olongapo City sa Hanjin, Lilipad Patungong Korea
Aalis na patungong Korea ang 68 on-the-job trainees ng Hanjin na mula sa Olongapo upang lalo pang magpakadalubhasa sa larangan ng ship building, welding at painting ng barko.
Sasagutin ng Hanjin ang mga gastusin na kakailanganin ng mga participants para makapag-training sa Korea katulad ng airfare, pagkain at accommodations kasama na pati ang kanilang training allowance.
Ang nasabing mga napiling trainees ay una nang nagsanay sa lungsod sa pamamagitan ng libreng training na ibinibigay para sa mga mamamayan na interesadong gawing propesyon ang welding. Kabilang ang mga trainees na ito sa unang grupo ng mga welders na ipinadala ng lungsod sa Hanjin matapos ma-kompleto ang halos 2 buwan na libreng pagsasanay sa kanila.
Samantala, ang pagkapili sa mga trainees na ito ay ikinagagalak ni Mayor Bong Gordon na syang nangunguna sa pagsuporta sa mga skills at livelihood trainings na naglalayon na bigyan ng kakayahan ang mga taga-Olongapo na maging globally competitive.
Isang karangalan din ito para kina Councilor Edwin Piano at sa mga kasama nyang facilitators na hanggang sa ngayon ay nagsasagawa ng pagsasanay sa mga susunod pang grupo ng manggagawa na ipadadala sa Hanjin.
Sa mga gustong mapabilang sa mga susunod na Free Welding Orientation at Training, mangyari po lamang na makipag-ugnayan kay PESO Manager Evelyn delos Santos sa City Labor Center o sa tanggapan ni Kagawad Edwin Piano sa ika-lawang palapag ng Olongapo City Hall.
Iniimbitahan din mga nagnanais na matuto ng Korean language na dumalo sa oryentasyon na gaganapin sa FMA Hall sa Sabado, ika-2 ng Setyembre 2006.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home