OLONGAPO CITY BOARDWALK, PINASINAYANAN!
Sa pangunguna ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. ay masaya at makulay na pinasinayanan nitong ika-30 ng Setyembre 2006 ang pinaka-bagong pasyalan sa lungsod, ang Olongapo City Boardwalk.
Ang pagpapasinaya sa Boardwalk na may kabuuang 103 meters ay dinaluhan rin nina First Lady Anne Marie Gordon at Acting City Administrator Ferdie Magrata kasama ang mga city councilors, department heads at barangay officials.
Isinabay na rin sa inagurasyon ang launching ng floating barge na magsisilbing stage ng mga performers. Apat (4) na ESMO Boats naman na magmamantina sa kalinisan ng Perimeter Channel ang binasbasan at ang 8 torches na nagsilbing karagdagang attraksyon ng lugar ang sinimulang pailawin ni Mayor Gordon.
Hindi magkamayaw ang mga manunuod ng simulan ang Unveiling of Statue ni Freddie Aguilar na mismong ang ‘’Hari ng OPM’’ ang nagpasinaya kasama sina Mayor Bong Gordon, First Lady Anne at ni St. Columban Parish Priest, Rev. Fr.Felix Labios sa saliw ng OCNHS Youth Choir.
Napuno ng hiyawan ang parking area ng City Mall at ang Boardwalk ng magsimula ang mini-concert si Ka Freddie kasama ang Watawat Band sa floating barge.
Ang mensaheng ibinigay ni Mayor Bong Gordon ay sumentro sa galing ng Olongapeño, ‘’Si Freddie Aguilar ay kayamanan ng Olongapo na dapat pahalagahan. Una lamang sya sa bibigyan natin ng parangal at marami pang susunod.’’
‘’Kaya Fighting for Excellence ang ating slogan dahil dapat ay palaging angat ang mamamayan ng lungsod sa lahat ng larangan,’’ dagdag pa ni Mayor Gordon.
Nakiisa rin ang walong (8) local bands na kabilang sa Olongapo Musicians Club na halinhinang nag-perform sa floating barge na higit na nagbigay kasiyahan sa lahat ng manunuod.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home