Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Saturday, November 18, 2006

Koreano dinukot, dinedo sa Subic Bay

SUBIC BAY FREEPORT — Pinaniniwalaang pinahirapan muna bago brutal na pinaslang ang isang Koreanong opisyal ng malaking kompanya matapos na matagpuan ang bangkay nito na nakasako sa liblib na bahagi ng Naval Magazine sa Subic Bay Freeport Zone kamakalawa ng hapon.

Sinasabing ang biktima na may dalang USD10,000 bago mawala ay opisyal ng Hanjin Heavy Equipment and Industries (HHEI) na Korean shipping company sa loob ng Freeport Zone.

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang opisyal na pahayag ang pamunuan ng Law Enforcement Department (LED) at Intelligence and Investigation Office (IIO) ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) kaugnay sa pagkakakilanlan ng Koreano na nasa edad 35 hanggang 40-anyos

Sa nakalap na impormasyon ng PSN, bandang alas-3:15 ng hapon kamakalawa nang matagpuan ng mga awtoridad ang bangkay ng biktima sa mataas at matalahib na lugar ng Hill 394, Naval Magazine ng nabanggit na lugar.

Kasalukuyang inaalam ng mga mamamahayag kung may katotohanan na dalawang Koreano ang natagpuang patay na magkayakap sa loob ng sako sa nabanggit na lugar.

Napag-alamang bago madiskubre ang bangkay ng biktima ay unang napaulat na nawawala ang biktima may tatlong linggo na ang nakalipas at hanggang sa kasalukuyan ay nananatiling blangko pa rin ang pamunuan ng LED at IIO kaugnay sa nangyaring karahasang naganap sa loob ng Subic Freeport. (Jeff Tombado - Ang Pilipino STAR Ngayon )

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012