BCRS o Brgy. Civil Registration System sa Lungsod
Sa atas ni Mayor Bong Gordon na pangunahan ng City Planning na isaayos ang CRS o Civil Registration System ng lungsod ay nagsagawa kahapon, ika-11 ng Disyembre, 2006 sa session hall, 2nd floor ng Olongapo City Hall ng isang miting tungkol sa BCRS o Barangay Civil Registration System.
Ang nasabing miting ay dinaluhan ng iba’t-ibang departamento ng lungsod, ng Regional Office of Population Division, DENR-CENRO at mula sa NSO o National Statistics Office na si Arlene Divino.
Sa isinagawang miting ay pinaliwanag ni Divino kung ano ang BCRS o Barangay Civil Registration System. Ayon sa kaniya ito ay isang istratehiya upang pamunuan ang Civil Registration sa community level kung saan tutulong ang mga Brgy. Officials sa City/Municipal Civil Registrations.
Dagdag pa ni Divino na ang BCRS ay magiging information system na maglalaman ng record ng lahat ng basic information tungkol sa isang indibidwal na residente sa barangay. Ipinaliwanag din ni Divino ang layunin ng pagsasagawa ng BCRS sa lungsod na ayon sa kaniya, ay pwedeng mai-link sa GIS o Geographical Information System.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home