Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, February 01, 2007

KAMPANYA NG MAAYOS NA LANSANGAN DINALA SA PAARALAN AT BARANGAY

Patuloy pa rin ang pag-iikot ng Office of Traffic Management and Public Safety (OTMPS) sa ibat-ibang public and private schools sa Lungsod ng Olongapo kaugnay sa mga isinasagawang Symposium on Traffic Management & Public Safety.

Target ng symposium na ipaalam at i-re-orient ang mga elementary, secondary at tertiary students gayundin ang kanilang mga guro at school personnel sa traffic rules & violations sa lansangan.

Ang head ng OTMPS na si Col. Jerito Adique ang inatasan ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. na magbigay ng lectures na may kaugnayan sa batas pang-trapiko at lansangan.

Sa symposium ay ipinapa-alam rin sa mga mag-aaral ang mga terminal zones ng ibat-ibang Public Utilities Vehicles kung saan sa mga lugar na ito maaari lamang sumakay ang mga pasahero.

Maliban sa paaralan ay tinututukan rin ng tanggapan ang labing-pitong (17) barangay kung saan target naman nito maabot ang mga residente ng barangay at ang mga opesyales nito.

Sa mga isinasagawang talakayan ay may mensaheng ipina-aabot si Mayor Bong Gordon, ‘’Patuloy ang ating lungsod na gumagawa ng mga pag-aaral at pagbabago sa ating lansangan at malaki ang bahagi ng residente sa mga pagsasa-ayos na ito.’’

‘’Maging ang simpleng pagtawid sa pedestrian lane ay malaki ang maibibigay sa maayos at mabilis na daloy na trapiko sa lansangan,’’ dagdag pa ni Mayor Gordon.

Samantala, ilan lamang sa mga tutunguhin ng OTMPS ay ang mga sumusunod na paaralan at barangay:

Kalaklan Elementary School – February 2, 2007
Brgy. Kalaklan – February 3, 2007
Sergia Soriano Esteban School – February 9, 2007
Brgy. Banicain – February 10, 2007
Kalalake National High School – February 16, 2007
Sa ngayon ay tatlong (3) Public Address System ang inilagay ng OTMPS sa Rizal Avenue, Ulo ng Apo sa Rotonda at RM Drive na may layuning gabayan ang mga commuters, drivers at pedestrians ng lungsod at daragdagan pa ang mga traffic signs upang patuloy na ipaalam sa mga residente ang mga alituntunin sa lansangan.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012