BUWAN NG HULYO BILANG CONSCIOUSNESS MONTH
Ang Pamahalaang Lokal ng Olongapo sa pamumuno ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. sa pamamagitan ni Disaster Management Office Head Angie Layug ay isa-isang nilatag nitong ika-7 ng Hunyo 2007 sa FMA Hall ng City Hall ang ibat-ibang aktibidad kaugnay sa pagsalubong ng Lungsod ng Olongapo sa National Disaster Consciousness Month ngayong buwan ng Hulyo.
Kabilang na sa mga aktibidad ay ang malawakang motorcade na isasagawa sa ika-2 ng Hulyo 2007. Muling magsasanib pwersa ang ibat-ibang sangay ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) kasama na ang Bureau of Fire sa motorcade na tatahak sa mga pangunahing lansangan ng Freeport at Olongapo na bitbit ang 2007 theme na ‘’SAFE KA BA? Programa Laban sa Kalamidad Tungo sa Pag-unlad’’.
Layunin ng National Disaster Consciousness Month at ng motorcade na pukawin ang interes at kaisipan ng mamamayan sa kahalagahan ng paghahanda sa lahat ng sakunang hinde inaasahan na maaaring dumating sa hinaharap.
Matatandaan, na ang Olongapo sa pamamagitan ng Disaster Management Office (DMO) ay kinikilala ngayon sa bansa na may mabilis na responde sa panahon ng sakuna bunga na rin ng mga patuloy na isinasagawang pagsasanay sa mga pribado at pam-publikong ahensiya at ng mga Olongapeños.
Labels: Angie Layug, Disaster Management Office, Hulyo, Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, National Disaster Consciousness Month
0 Comments:
Post a Comment
<< Home