Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, June 05, 2007

OLONGAPEÑA SA MUTYA NG PILIPINAS

Makikipagsabayan ng ganda, talento at talino ang isang Olongapeña laban sa mahigit tatlumpong (30) kandidatang kinatawan ng ibat-ibang lugar sa bansa sa gaganaping ‘’Mutya ng Pilipinas 2007-Coronation Night’’

Si Angelee Claudett Francisco delos Reyes, labingsiyam (19) na taong gulang, 4th year Nursing student ng Columban College at residente ng Brgy. Banicain ang opisyal na kinatawan ng lungsod para sa prestiyosong beauty and talent search sa bansa.

Ang 5 feet 6 inches tall na Olongapeña ay title holders rin ng ibat-ibang beauty searches tulad ng 2005 Ms. Nursing of Columban College, 2005 Ms. PRISAA, 2006 Olongapo City Fiesta Queen Ms. Ulo ng Apo para at 2007 Ms. Zambales.

Hindi rin pahuhuli ang pambato ng lungsod laban sa iba pang kalahok maging sa mga ‘pinay representatives ng USA, Canada, Norway, Germany at United Kingdom dahil sa ngayon ay kabilang ang magandang Olongapeña sa mga paboritong kandidata batay sa isinagawang pre-pageant sa Subic Bay Freeport Zone (SBFZ).

‘’Gagawin ko ang lahat ng aking makakayanan upang maiuwi ang korona. Sana sa pamamagitan ng mga panalangin ng aking mga kababayan ay maisakatuparan ito,’’ wika ng kalmadong si Angelee.

Gaganapin ang coronation night ng Mutya Pageant sa ika-22 ng Hunyo 2007 sa Olongapo City Convention Center.

Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012