MUTYA CORONATION NIGHT SA ‘GAPO GAGANAPIN
Rarampa sa Olongapo City Convention Center (OCCC) ang mahigit tatlumpong (30) nagga-gandahang kandidatang kalahok nang isa sa prestiyosong beauty search sa bansa, ang ‘’Mutya ng Pilipinas 2007’’ bilang venue ng coronation night sa ika-22 ng Hunyo 2007.
Magkatuwang ang Olongapo City Government sa pangunguna ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. at ang Mutya ng Pilipinas Incorporated sa mga paghahandang isinasagawa para sa pipiliing pinaka-magandang mga ‘pinay na magiging kinatawan ng Pilipinas sa mga international beauty, talent and brain competitions.
Bagamat ang set-up ng lightings, audio at physical arrangement ay magmumula sa organizers, inatasan pa rin ni Mayor Bong Gordon ang pamunuan ng OCCC na tutukan ang bawat detalye sa loob at labas ng venue upang matiyak ang kahandaan.
‘’Maliban sa mahigit tatlonglibong (3,000) panauhin na inaasahang darating sa lungsod upang saksihan ang makinang na coronation night ay mapapanood rin ito sa national television na isang magandang exposure para sa Olongapo,’’ wika ni Mayor Gordon.
Sa pagpapatuloy ng three-week competition na sinimulan noong ika-26 ng Mayo 2007 para sa Screening of Candidates, Press Luncheon, Flores de Mayo at Gala Night/Welcome Dinner ay naka-linya pa rin ang ibat-ibang activities ng mga kandidata kabilang na ang mga sumusunod:
Press Presentation – June 7, 2007
Talent Night Rave Party – June 9, 2007
Independence Day Celebration and Terno Competition – June 12, 2007
WIN Night and Grand Ball – June 20, 2007
The CORONATION NIGHT – June 22, 2007
Inaasahan na rin ang pagdating sa lungsod ng mga bisita mula sa ilang Filipino communities sa USA, Canada, Norway, Germany at United Kingdom upang suportahan ang kanilang kinatawan sa gabi ng koronasyon na isa sa mga pinaghahandaan ng City Government para sa maganda at maayos na akomodasyon.
Labels: ‘’Mutya ng Pilipinas 2007’’, Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Olongapo City Convention Center
0 Comments:
Post a Comment
<< Home