MULTI-MILLION PROJECT SA FREEPORT
Isinagawa na ang ground-breaking ceremony ng 17-story condominium hotel o condotel sa Subic Commercial Light and Industrial Park, Subic Bay Freeport Zone (SBFZ) nitong ika-2 ng Hunyo 2007. Isa sa magiging pinaka-mataas na gusali ito sa Freeport.
Ang South Korean Firm at real estate developer na KT Construction Co. Ltd., sa pamamagitan ng Chairman nito na si TAE-Kyung Kim kasama sina SBMA Chairman Fil Salonga, SBMA Administrator Armand Arreza at City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. ang nanguna sa makasaysayang seremonya.
Ang mahigit $3-milyong (P150M) proyekto na kapapa-looban ng residential at hotel complex na tatawaging ‘’Subic Ampelos Tower’’ ay mangangailangan ng mahigit isandaang (100) kawani nito para sa inisyal na operasyon samantalang inaasahan na higit pang lalaki ang workforce nito kapag nagsimula na ang full-operation ng tower.
‘’Dapat nating samantalahin ang pagkakataon na ito. Dapat ay dito magmumula ang malaking workforce sa Freeport kaya maghanda tayo,’’ wika ni Mayor Bong Gordon.
Labels: ‘’Subic Ampelos Tower’’, ground-breaking ceremony, SBFZ
0 Comments:
Post a Comment
<< Home