PA-BOKSING SA NEW CABALAN HUMATAW NA!
Muli na namang nakita ang galing ng mga boksingero ng Olongapo sa isinagawang Inter-barangay Boxing Tournament sa New Cabalan Covered Court nitong ika-2 ng Hunyo 2007.
Ang ika-8th leg ng pa-boksing na inabangan ng mahigit limangdaang (500) boxing enthusiasts ay bahagi ng pag-iikot sa lungsod ng ‘’Programang Paboksing sa Barangay ni Mayor Bong Gordon’’.
Katuwang ang Olongapo City Amateur Boxing Association, Olongapo Youth & Sports Development Office at ang labingpitong (17) barangay, ang pa-boksing ay bahagi pa rin nang higit pang pagpapalakas sa ‘’Sports Program’’ ni Mayor Bong Gordon.
Sa labingdalawang (12) bouts na pinaglabanan ay kampeon ang mga sumusunod na boksingero:
LEONARD GUEVARRA – GORDON HEIGHTS
ALVIN ESTRELLA – GORDON HEIGHTS
ALEJANDRO PEREZ - PAGASA
CONRADO CORIBANG - PAGASA
ALEJANDRO ESTRELLA – GORDON HEIGHTS
REILLY FLORES - NEW CABALAN
JOETAM DAVID - OCNHS / MABAYUAN
REX CANAG - STA. RITA
ALEJO CORPUZ - NEW CABALAN
EDDIE SANCHEZ PAG-ASA
JOEL SANTOS KALALAKE
REY FLORES - NEW CABALAN
Para sa mga nais na lumahok sa mga susunod pang boxing competitions ay maaaring makipag-ugnayan sa City Youth and Sports Office o tumawag sa 224-7846 o kaya’y sa inyong mga sariling barangay halls.
Labels: ’Programang Paboksing sa Barangay ni Mayor Bong Gordon’’., Boxing Tournament, ika-2 ng Hunyo
0 Comments:
Post a Comment
<< Home