PANUNUMPA AT PAGSASANIB PUWERSA
Isang tagumpay ang panunumpa sa tungkulin nina Zambales Governor Amor Deloso at Vice Governor Anne Gordon kasama ang mga halal na board members na sina Jefferson Khonghun Khonghun, Jose Benedicto Felarca at Lorette Dela llana para sa unang distrito at sina Samuel Ablola, Jury Deloso, Wilfredo Raul Pangan, Reynaldo Tarongoy, Saturnino Bactad, Milagros Guatlo at Forfirio Elamparo para sa ikalawang distrito, gayundin ang mga halal na opisyales mula sa bayan ng Subic hanggang sa bayan ng Sta. Cruz na ginanap sa Iba Covered Court noong ika-30 ng Hunyo.
Nanumpa si Atty. Amor Deloso sa pamamagitan ni Zambales Executive Judge at Regional Trial Court (RTC) Branch 72 Presiding Judge, Josefina D. Farrales, si Vice Governor Anne Marie Gordon kay Regional Trial Court (RTC) Branch 73 Presiding Judge Consuelo Bocar at ang mga kasapi ng Sanggunianng Panlalawigan kay Regional Trial Court (RTC) Branch 75 Presiding Judge Clodualdo Monta habang kay Deloso naman nanumpa ang mga punong-bayan, ikalawang punong-bayan at mga konsehales mula sa iba’t-ibang bayan ng Zambales.
Ipinakita ni Governor Deloso sa kanyang pananalita ang kanyang kagalakan sa suportang natamo mula sa mga mamamayang Zambaleño at pati na sa mga mamamayang Olongapeño.
Dinaluhan ang nasabing pagdiriwang ni Mayor Bong Gordon kasama ang mga City Councilors at ilang mga department heads ng Olongapo City Government.
Maituturing ang magkasunod na oath taking ceremonies sa Olongapo City noong ika-29 ng Hunyo at sa Zambales noong ika-30 ng parehong buwan bilang panimula sa muling pagsasanib puwersa ng Zambales at Olongapo tungo sa kaunlaran, kapayapaan at kasaganahan.
Inaasahan din ang lalong pagpapaigting ng Unang Ginang ng Lungsod ng Olongapo, ngayo’y Bise Gobernador ng Zambales na si Anne Gordon sa kanyang kampanya sa mga programang pang-kalusugan, pang-kabuhayan, pang-kababaihan, at pang-hanapbuhay.
Pao/jms -###- 03 July 2007

Labels: Amor Deloso, Anne Gordon, Iba Covered Court, ika-30 ng Hunyo., panunumpa, Sta. Cruz
0 Comments:
Post a Comment
<< Home