20% DISCOUNT NG SENIOR CITIZENS, HIGHLIGHT SA FORUM
Mainit ang naging pagtanggap ni City Mayor James “Bong” Gordon, Jr. sa Senior Citizens Association (SCA) ng Olongapo sa FMA Hall ng Olongapo City Hall nitong ika-17 ng Agosto 2007 para sa isang forum upang bigyang pagkakataong ihain ang kanilang mga hinaing kaugnay sa pagpapatupad ng Republic Act 7432 o Senior Citizens Act.
Dinaluhan ng Senior Citizens Association, at mga kinatawan mula sa mga hospital at botika sa Olongapo, CSWDO, Legal Office, at OTMPS ang naturang forum kung saan ay partikular na tinukoy ang pagtatalaga ng RA7432 ng dalawampung porsiento (20%) diskwento sa gamot, hospital, pamasahe at iba pang amenities para sa mga senior citizens o matatandang may edad 60 pataas.
Ipinaalam ng Senior Citizens Association kay Mayor Gordon na kadalasang hindi natutupad ang pagbibigay sa kanila ng 20% discount sa mga botika, hospital at sasakyan.
Kaugnay nito ay ipinaliwanag ng mga kinatawan mula sa Drugstore Association na may kalakihan ang 20% discount gayong maliit lamang ang kinikita sa gamot.
Samantala, ipinahayag naman ng OTMPS na kaagapay sila ng mga Senior Citizens. Ayon pa sa kanilang kinatawan ay mahigpit nilang ipatutupad ang 20%-off sa pamasahe at maaari ding dumulog sa kanilang tanggapan kung mayroong hindi tutupad sa naturang diskwento para sa kanila. Sa huli ay napagkayarian sa nasabing forum na sundin kung ano ang isinasaad ng batas.

Si Mayor Bong Gordon sa pakikipag-talastasan sa mga Senior Citizens nitong ika-17 ng Agosto 2007 sa FMA Hall. Nasa larawan rin sina Kgd. Gie Baloy at CSWDO Head Gene Eclarino.
PAO/jpb
Labels: (20%) discount, gamot, hospital, pamasahe at iba pang amenities, SCA
0 Comments:
Post a Comment
<< Home