Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, August 28, 2007

BARANGAY STA RITA BINIGYANG KOMENDASYON NG CITY COUNCIL

Kinilala ng Sangguniang Panlungsod ng Olongapo ang galing ng Barangay Sta Rita Rescue Team ng tanghalin itong no.1 kamakailan lamang sa prestiyosong ‘’2006 Gawad Kalasag Awards’’ sa ilalim ng kategoryang ‘’Best Barangay Disaster Coordinating Council.’’

Sa bisa ng Resolution No. 99 (series of 2007) na may titulong, ‘’A Resolution Congratulating and Recognizing Barangay Sta Rita for Winning the Regional Gawad Kalasag as the Best Barangay Disaster Coordinating Council in Region III,’’ sa mosyon ni Kgd. Rodel Cerezo ay partikular na binigyang komendasyon ng konseho ang ipinakitang kahandaan ng team pagdating sa emergency response and humanitarian assistance sa barangay.

Sa resolusyon ay pinapurihan rin ang Sta Rita Rescue Team personnel na may mataas na dedikasyon sa serbisyo at pagresponde sa mahigit halos lahat na emergency situations at emergency calls gayundin ang pag-responde ng team sa mga karatig-barangay kung kinakailangan.

‘’Ang karangalang tinanggap ng Barangay Sta Rita ay hindi lamang pagkilala sa iisang barangay bagkus ito ay pagkilala sa buong Olongapo,’’ wika ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr.

Maliban sa Barangay Sta Rita ay sumasailalim na rin sa disaster management, preparedness and response training sa pamamagitan ng City Disaster Management Office (DMO) ang iba pang barangay sa lungsod upang sa gayo’y maka-agapay sa mas mabilis na pag-responde sa nasasakupan nito.

Matatandaan na kamakailan lamang ay kinilala rin ang galing ng Olongapo sa dalawang kategorya ng Gawad Kalasag kabilang na ang ‘’Best Highly Urbanized City Disaster Coordinating Council’’ at ‘’Best Government Emergency Responders’’ (GOERS) sa pamamagitan ng Olongapo Fire and Rescue Team (OFRT).

Pao/rem

Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012