BONGGO AT MADDELA, ‘PARTNERS’ TUNGO SA MAS PINALAKAS NA ‘JUSTICE SYSTEM’ SA OLONGAPO CITY
Buong galak na ipinakilala ni Mayor Bong Gordon sa mga Olongapeño ang itinalagang bagong hukom na mangangasiwa sa Branch 5 ng Municipal Trial Court in Cities (MTCC) na si Judge Tomas Eduardo B. Maddela III bilang kapalit ng nagretirong tagahatol na si Avelino T. Alfonso.
Para kay Mayor Gordon ay mahalaga ang pagkakaroon ng maayos at malakas na ‘’justice system’’ kung kaya’t inaasahan niya na maging katuwang si Maddela sa lalo pang pagpapaigting ng maigting nang ‘’judicial process’’ sa Lungsod ng Olongapo.
‘’Justice delayed is justice denied. I am confident that through Judge Maddela, there will be speedy but just procedure with regards to trials in court,’’ wika ni Mayor Gordon.
Binigyang kasiguraduhan ni Maddela ang mga Olongapeño sa pagiging patas at makatarungan ang mga desisyon na kanyang gagawin upang suklian na rin ang mainit na pagtanggap sa kanya ng mga ito.
‘’I can’t make promises but I assure the City of Olongapo that I will be dispersing justice by makingfair decisions,’’ pahayag ni Maddela.
Si Maddela ay itinalagang hukom ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na hahawak sa Branch 5 ng MTCC sa Olongapo City noong ika-12 ng Disyembre 2006 at nanumpa sa katungkulan sa pamamagitan ni Sandiganbayan Justice Diosdado M. Peralta noong ika-4 ng Hunyo 2007.
Bago maitalagang hukom ay pinamunuan ni Maddela ang Local Board of Assessment Appeals sa City Hall ng Manila mula 1990 hanggang 2007. Nagsilbi rin siya bilang Senior Legal Officer at Head of Board sa Lungsod pa rin ng Manila.
Nagtapos si Maddela ng Bachelor of Laws sa Adamson University at naging ganap na tagapag-tanggol noong 1982.
Si Maddela ipinanganak sa lalawigan ng Nueva Viscaya noong ika-13 ng Septyembre 1955. Ang kanyang ama ay dating hukom sa Regional Trial Court (RTC) sa Manila habang ang kanyang nakatatandang kapatid na babae ay ang kasalukuyang hukom sa Municipal Trial Court (MTC) ng Solano, Nueva Vizcaya.
Pao/jms

Labels: judicial process, justice system, Maddela, mayor gordon, MTCC
0 Comments:
Post a Comment
<< Home