Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, September 18, 2007

Barangay at SK officials, tatanggap ng scholarship

Aprubado na sa Sangguniang Panlungsod ng Olongapo ang pagbibigay ng educational privileges sa mga barangay at SK officials ng Olongapo.

Sa panukala ni Kgd. Beth Marzan at co-sponsored nina Kgd. Carlito Baloy at Kgd. Robin Rose Buenafe, ipinasa ng City Council nitong ika-8 ng Agosto 2007 ang City Ordinance No.25 (Series of 2007). Ayon sa ordinansa, makatatanggap na ng libreng edukasyon mula kay Mayor Bong Gordon ang mga barangay at SK officials ng lungsod sa mga city operated schools, partikular ang Gordon College.

Animnapu’t limang (65) grantees ang pipiliin ng city government bilang pasimula ng scholarship program na ito. Madaragdagan naman ang 65 sakaling madagdagan din ang budget para sa programa.

Sa 65 na mabibigyan ng scholarship grant, tatlumpo (30) dito ay laan para sa mga barangay officials, tatlumpo (30) para sa mga SK officials at limang (5) slots para sa dependents ng mga ito. Pipiliin naman ang 65 sa pamamagitan ng isang standard examination na ibibigay ng Gordon College

Kalahating milyong piso (P500, 000) ang ilalaan ng city council taon-taon para sa scholarship program na ito mula taong 2008. Epektibo naman ang ipagpapatupad ng naturang ordinansa mula sa unang semester ng School Year 2008-2009.




PAO/jpb

Labels: , , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012