Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, September 18, 2007

CityGov, bibili na ng dredging machine

Inaprubahan na ng Olongapo City Council kamakailan ang Resolution No. 114 (Series of 2007) na sumasang-ayon sa pagtatalaga ng kaukulang budget para sa pagbili ng sariling dredging machine ng city government na ayon sa mga flood control experts ay makatutulong sa desilting ng mga ilog sa lungsod.

Sa mosyon nina Kgd. Anselmo Aquino at Kgd. Rodel Cerezo, sumang-ayon ang konseho sa rekomendasyon ni Engineer Narciso Martinez, Jr. na bumili ng sariling dredging machine ang lokal na pamahalaan.

Pangunahing dahilan sa pagpupursige ng konseho na makabili ng naturang makina ay upang maagapan ang pag-apaw ng mga ilog sa lungsod na sanhi ng pagbabaha.

Ayon sa pag-aaral ng mga flood control experts na bumisita sa Olongapo City kamakailan, ang pag-apaw ng mga ilog ay dahil sa mga lupang bumababa mula sa mga bundok. Upang maiwasan ang patuloy na pagbabaw ng mga ilog, gagamitin ang bibilhing dredging machine para sa regular na desilting ng mga ilog partikular ang Sta. Rita River Mabayuan River, Cabalan River, East Bajac-Bajac Channel, Drainage Channel, at Kalaklan River.

Ayon pa sa resolusyon, malaki ang matitipid ng pamahalaang lokal dahil sa ibayong kakayahan ng dredging machine na maibalik ang original depth ng mga ilog.

Inaasahan naman na agarang pasisimulan ang desilting sa mga ilog sa lungsod oras na mabili na ng city government ang naturang makina.



PAO/jpb

Labels: , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012