DAPAT TAMANG TIMBANGAN UPANG PAGKATIWALAAN!
Patuloy ang Pamahalaang Lokal ng Olongapo sa pamamagitan ng City Treasury’s Office sa pagkumpiska ng mga palyado at hindi lisensyadong timbangan na patuloy na ginagamit ng ilang manininda sa mga pamilihan sa lungsod. “Ito ay ipinatupad upang protektahan ang mga mamimili laban sa mga timbangang may daya,” pahayag ni City Treasurer Marcelino Andawi.
“Hinihingi namin ang pakikipagtulungan ng mga mamimili na siguraduhing rehistrado ang timbangan ng binibilhan ninyo. Dapat na may pula at dilaw na sticker ito. Kung may makitang hindi rehistradong timbangan o may kulang sa timbang, ipagbigay alam lamang ito sa mga opisyales sa palengke o dito sa Treasurer’s Office. Ito ay upang masuheto ang mga nandadaya,” dagdag panawagan ng City Treasurer.
Kaagapay ng Treasurer’s Office ang Department of Trade and Industry (DTI) at Olongapo City Police Office (OCPO) na sorpresang nag-iikot sa Olongapo City Public Market (Bagong Palengke), James L. Gordon Market & Mall (Pag-asa Market) at West Bajac-Bajac Market (Lumang Palengke) at mga talipapa upang mag-sagawa ng ‘’Saturation Drive’’.
Ang pagsuyod laban sa mga illegal na timbangan ay batay sa Ordinance No. 85 (Series of 2005) na mahigpit na nagtatadhana nang paglalagay ng selyado at lisensyadong sticker ng mga gumagamit nito.
Para sa sumbong kaugnay sa mga palyadong timbangan maaaring makipag-ugnayan sa City Treasurer’s Office na matatagpuan sa Ground Floor ng City Hall na may telepono bilang 222-2607.
Pao/rem

0 Comments:
Post a Comment
<< Home