Operation Smile, handog sa mga drivers
Bukas na ang City Dental Division Clinic para sa mga drivers ng pampasaherong sasakyan sa Olongapo upang makinabang sa Operation Smile Program ng City Health Office.
Sa inisyatibo ni Mayor Bong Gordon, binuksan ang Dental Clinic ng Olongapo City Hall para sa libreng dental check up na laan para sa mga jeepney at tricycle drivers ng lungsod.
Ayon kay Dr. Donald Vigo ng City Dental Division Clinic, layunin ng Operation Smile na mapangalagaan din ang dental hygiene ng public utility vehicle drivers. Aniya, batay din ito sa programa ni Mayor Gordon na mabigyan ang mga divers ng libreng dental check up, palinis at pabunot ng ngipin.
Maaari nang i-avail ang libreng serbisyong ito ng City Dental Clinic mula Lunes hanggang Biyernes, 1:00 – 5:00 ng hapon. Maaari ring makipag-ugnayan kay Dr. Vigo ang mga ineresadong makinabang sa Operation Smile.
Ang City Dental Clinic ay matatagpuan sa unang palapag ng Olongapo City Hall.
PAO/jpb

Labels: City Dental Division Clinic, City Health Office, Operation Smile Program
0 Comments:
Post a Comment
<< Home