Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, September 11, 2007

Pagkaabsuwelto ni Cajudo,pinagbunyi ng Olongapo

Ipinagbubunyi ng mamamayan ng Olongapo ang pagkaabsuwelto ni City Vice Mayor Cynthia Cajudo sa kaso ng katiwalian o paglabag sa Section 3(e) ng Republic Act 3019 na isinampa laban sa kanya noong taong 2000.

Para sa maraming taga-Olongapo, ang desisyong ibinaba ng Sandiganbayan nitong Hulyo 2007 ay nagpapatunay na tapat na lingkod-publiko ang kanilang vice mayor.

Sa nakaraang flag raising ceremony ng mga city officials at employees na ginanap sa Rizal Triangle Multi-Purpose Covered Court, ipinabatid ni Vice Mayor Cajudo sa publiko sa unang pagkakataon ang kanyang pagkapanalo sa kasong isinampa laban sa kanya.

Umalingawngaw naman ang palakpakan bilang pagpapakita ng kagalakan para sa ikalawang punong lungsod gayundin para sa imahe ng lungsod ng Olongapo.

Samantala, isinalaysay din ni Vice Mayor Cajudo ang mga pangyayaring kanyang kinaharap kaugnay ng naturang kaso na tumagal ng pitong taon bago nadesisyunan.

Agosto 8, 2000 nang sampahan ng graft charges ni Graft Investigation Officer II Paul Clemente si Vice Mayor Cajudo kasama ang dating SBMA Chief Operating Officer Ferdinand Aristorenas na sumakabilang buhay sa kasagsagan ng paglilitis.

Sa paniniwalang magdudulot ng positibong epektong para sa mamamayang Olongapeño, pumirma ang ikalawang punong lungsod sa isang Memorandum of Agreement (MOA) na may kinalaman sa paglilipat ng karapatan sa City Government at James L. Gordon Memorial Hospital ng paggamit ng mga hospital equipment at public utility vehicles na nagkakahalaga ng P39,160,485.93. Hindi naman umano inaprubahan ng SBMA Board of Directors ang naturang MOA na naging ugat ng kaso laban kay Cajudo at Aristorenas.

Sinuportahan naman nina Nathaniel Santos, Ramon Lazaro, Fernando Magrata, Simplicio Angeles, Arturo Mendoza, Jr., Dante Ramos, Francisco Legaspi, Gregorio Elane, Ernesto Asunción, at Conrado Mamaril si Vice Mayor Cajudo at nagbigay ang mga ito ng kani-kanyang testimonya upang pabulaanan ang mga paratang sa ikalawang punong lungsod.

Pitong taon makalipas ay bumaba ang pinal na desisyon ng Sandiganbayan na ikinagalak ng Vice Mayor at ngayon ay pinagbubunyi ng mga Olongapeño.

Anila, ito ay patunay lamang na tapat ang kanilang pinagkakatiwalaang lingkod ng lungsod na ilang dekada na sa serbisyo para sa Olongapo.


PAO/jpb

Labels: , , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012