Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, October 09, 2007

City Gov’t Taps Barangays to Brace Livelihood Projects

Hinihikayat ng Sangguniang Panlungsod ng Olongapo ang mga Barangay Council sa lungsod na magtalaga ng kaukulang budget para sa mga livelihood projects ng kani-kanilang barangay.

Sa bisa ng Resolution No. 121 Series of 2007 na ipinanukala ni Kgd. Elena Dabu, inatasan ng City Council ang mga barangay sa Olongapo City na paglaanan ng sapat na pondo ang mga programang pangkabuhayan.

Nilalayon ng naturang resolusyon na paigtingin pang lalo ang adhikain ng City Government sa pamumuno ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. na mabigyan ng oportunidad sa livelihood development ang mamamayang Olongapeño.

Kakawing ng mga pagsisikap ng Olongapo City Government na maarmasan ang mga Olongapeño ng livelihood skills at entrepreneurial spirit, ang Resolution No. 121 ay binalangkas upang tumbasan ng mga Barangay ang naisin ng lokal na pamahalaan na maiangat ang antas ng kabuhayan ng mamamayang Olongapeño.

Naniniwala ang City Government na makakatulong ito upang higit na maiangat ang economic condition ng mga “financially marginalized”.

Samantala, sa pamamagitan naman ng Ordinance No. 50, Series of 2005, itinatag ng lokal na pamahalaan ang City Livelihood and Cooperative Office na siya namang bubuo sa Olongapo Cooperative Development Council na higit pang tutulong sa kasalukuyang administrasyon na maabot ng mga programang pangkabuhayan sa barangay level.

Labels: , , , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012