Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, October 09, 2007

Kampanya Kontra-Prostitusyon,PInagiibayo

Higit na pina-iigting ng Pamahalaang Lokal ng Olongapo ang kampanya nito kontra - prostitusyon.

Kaugnay ng masidhing kampanya ng City Government sa pangunguna ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. isang public hearing hinggil sa Anti-Prostitution Ordinance ang isinagawa nitong ika-4 ng Oktubre 2007 sa City Council.

Dinaluhan ng iba’t-ibang concerned organizations ang naturang public hearing kabilang na ang Peoples Recovery, Empowerment and Development Assistance (PREDA) Foundation, Social Action Center, San Lorenzo Ruiz Lay Leader, BUKLOD, Youth With a Mission (YWAM) at iba pang Non- Government Organizations (NGO).

Nakilahok din ang ilang kawani ng city government mula sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO) at Livelihood Office kasama si Vice-Mayor Cynthia Cajudo at mga konsehal ng City Council.

Layunin ng naturang public hearing na mapagbuklod ang lahat ng sektor sa Olongapo upang sama-samang makilahok sa kampanya laban sa prostitusyon.

Bukod sa prostitusyon, tinalakay din sa public hearing ang mga isyu tulad ng vagrancy (o mga palaboy at namamalimos) at pornograpiya na higit na kumakalat sa internet.

Nagpahayag naman ang mga nakilahok sa public hearing na masidhi nilang tinututulan ang prostitusyon, pornograpiya at iba pang gawi na sumisira sa moralidad at dignidad ng lungsod.

Pinaplano naman na magkakaroon muli ng pagpupulong ang lahat ng socio-civic, fraternal at religious sectors ng Olongapo kasama ang City Government at mga NGO’s upang makibahagi sa isang kasunduan na sama-sama silang tutulong sa pagsugpo ng prostitusyon, pornograpiya at iba pang isyu ng lipunan na sumisira sa imahe ng lungsod.


PAO/jpb

Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012