SBMA, FSC BINASTOS ANG ORDER NG KORTE
“Walang Respeto sa batas” Ito ang akusa nga mga vendors at market stall owners sa mga opisyales ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) matapos nitong suwayin ang utos ni Olongapo Regional Trial Court Judge Josefina Farrales na pamsamatalng itigil ang operasyon ng Night Market sa Freeport.
Nag –isyu ng Temporary Retraining Order (TRO) si Judge Farrales nuong Oktuber 19 na nagsususpinde sa pagbubukas ng Subic night market dahil sa reklamo ng mga vendors at ngatitinda sa palengke na malaking pagkakalugi sa kanila tuwing nagbubukas ang night market lalo na’t sa panahon ng kapaskuhan.
Sa kabila nito, binaliwala ni Freeport Service Corp. (FSC) president at SBMA Director Jose Calimlim ang utos ng korte at pinagpatuloy ang pagbubukas ng naturang night market.
“ Hepe pa naman siya ng SBMA Law Enforcement Department pero siya ang numero unong hindi sumusunod sa batas’” ang sabi ni Anita Sapno, pangulo ng Olongapo Vendors Association.
Dahil ditto ay pinalwig pa ni judge Richard Paradiza ng 17 araw ang restraining order. Subalit patuloy pa rin ang operasyon ng night market.
“ porke ba malakas si Calilmlim sa malakanyang at kay First Gentleman Mike Arroyo ay puwede na niyang ignorin ang kautusan ng korte? Walang respeto sa husgado ang mga namumuno sa SBMA. Naturingan pa naman silang may mga pinag-aralan,” ang bulalas ng isang vendor.
Sanhi nito ay hihilingin nila kay Judge Farrales na patawan ng contempt of court si Calimlim, SBMA Chairman Feliciano Salonga at Administrator Armand Arreza.
Sinabi ni Zosimo Mendoza, abugado ng mga vendors, na walang awtoridad ang SBMA na pumasok sa negosyo ng pagti-tyangge. Ito raw ay illegal at hindi pinapahintulutan sa SBMA Chapter.

Idinagdag pa ni Zosimo na ayon pa sa Rep. Act. 7227 ay kailangan magkaraoon ng benepisyo ang mga taga-Olongapo at nga karatig pook mula sa Freeport. Nguni’t ang problema, ayon kay Mendoza ay inaagawan pa ng SBMA ng kabuhayan ultimo maliliit na nagahahanap buhay sa lungsod
0 Comments:
Post a Comment
<< Home