‘Good Governance’ ng ‘Gapo, Dinayo
Nagsagawa ng Lakbay Aral sa Olongapo City sina Governor Miguel Rene Dominguez at Vice Governor Steve Chang Bian Solon ng Saranggani kasama ang kanilang mga constituents nitong ika-06 ng Disyembre 2007.
Malugod na sinalubong ni Mayor Bong Gordon at ng City Tourism Office ang delegasyon na may pangunahing layunin na sulyapan ang mahusay na pamamalakad ng city government sa Olongapo at mga mamamayan nito.
Matapos ang kanilang courtesy call kay Mayor Gordon ay nilibot ng grupo ang kabuuan ng Olongapo City Hall. Isang video presentation din ang inihanda ng lungsod para sa mga ito patungkol sa “good governance” na ipinatutupad ng pamunuan ng Olongapo.
Ibinida rin ni Kgd. Gina Perez ang mga magagandang atraksyon sa lungsod na palagiang dinarayo ng mga turista. Upang personal na makita ang isa sa mga ipinagmamalaking atraksyon sa Olongapo, tinungo ng delegasyon ng Saranggani ang Olongapo City Museum.
Sa huli ay humanga naman ang grupo sa epektibong pamumuno ng mga opisyal ng City Government sa pangunguna pa rin ni Mayor Gordon.
PAO/jpb

Labels: Governor Dominguez, Lakbay Aral, Olongapo City Museum, Saranggani, Vice Governor Solon
0 Comments:
Post a Comment
<< Home