15 Lifeguards Para sa Halfmoon Beach
Labinglimang (15) lifeguards ang inihanda at sinanay ng Olongapo City Government sa pakikipag-ugnayan sa Red Cross upang italaga sa Halfmoon Beach na bubuksan ngayong Pebrero 2008.
Sa kagustuhan ni Mayor James “Bong” Gordon, Jr. na masiguro ang kaligtasan ng mga turista at mga residenteng tatangkilik sa Halfmoon Beach (dating Kale Beach) sa nalalapit na panahon ng tag-init, isinailalim sa First Aid Training at Actual Swimming Training sa patnubay ni Edward Buena ng Red Cross ang labinglimang lifeguards nitong ika-14 hanggang 25 ng Enero 2008.
Bukod sa pagsasanay ng mga lifeguards ay inihahanda na rin ng City Government at ng ‘’Olongapo, Mahal Ko Foundation’’ ang kabuuan ng Halfmoon Beach para sa nalalapit na pagbubukas nito.
Sa inisyatibo ni Mayor Gordon at pagkilos ng mga volunteers mula sa ‘’Olongapo, Mahal Ko Foundation’’ na pinamumunuan ni Lerma de Meza ay kasalukuyan nang inaayos ang mga cottages, shower rooms at ang right of way sa Halfmoon Beach. Oras na matapos ang mga ito ay handang-handa na ang naturang Beach para sa muling pagbubukas nito sa publiko.

Libre-walang entrance fee ang pagpasok sa Halfmoon Beach sa pangangasiwa ng City Government. Sa kasalukuyan ay mayroon na itong 16 cottages kung saan ay ‘good for 20 persons’ ang malalaki samantalang ‘good for 12 persons’ naman ang maliliit.
Nasa larawan habang nagte-training ng first aid ang dalawa sa labing limang (15) lifeguards na itatalaga sa Halfmoon Beach.
Labels: halfmoon beach, lifeguards, red cross
0 Comments:
Post a Comment
<< Home