Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, February 12, 2008

OCGEMPCI Election, Isasagawa

Magsasagawa ng General Assembly ang Olongapo City Government Employees Multi-Purpose Cooperative, Inc. (OCGEMPCI) sa ika-6 ng Marso 2008 kasunod ng eleksyon ng mga bagong opisyal ng organisasyon na gaganapin sa Olongapo City Convention Center sa ika-8 ng parehong buwan.

“The current and outgoing officials of the OCGEMPCI have been successful in expanding the organization. After the election, we will have a new set of officers. I hope that the new set of officers will be able to achieve greater heights for the organization,” pahayag ni Mayor James “Bong” Gordon, Jr. sa nakaraang flag raising ceremony ng mga city officials and employees sa Rizal Triangle Multi-Purpose Center.

Kaugnay ng nalalapit na eleksyon ng mga opisyal ng kooperatiba ay inaanyayahan ang lahat ng OCGEMPCI members in good standing (MIGS) na makibahagi sa taunang halalan. Ang mga MIGS na interesadong pamunuan ang OCGEMPCI ay maaari na ring magsumite ng kanilang kandidatura hanggang ika-27 ng Pebrero 2008. Magsisimula ang campaign period sa ika-29 ng buwan. Samantala, maaari pa rin namang makibahagi ang mga non-MIGS bilang mga ‘observers’ sa halalan.

Matatandaang ang OCGEMPCI ay binuo upang paigtingin ang kalagayang ekonomiko ng mga kasapi nito sa pamamagitan ng pagbibigay ng kumpleto at de-kalidad na mga produkto at serbisyong may kaugnayan sa kanilang mga pang araw-araw na pangangailangan. Sa taong 2007 ay umabot sa P1.9million ang matagumpay na koleksyon ng kooperatiba at umaabot na rin sa P9million ang pondo nito.

Labels: ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012