Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, March 11, 2008

P100K SUPORTA NI BONGGO SA CITY PUBLIC SCHOOLS

Pinagkalooban ng Pamahalaang Lungsod ng Olongapo sa ilalim ng administrasyon ni Mayor James “Bong” Gordon, Jr. ng tig-iisandaang libong piso (P100, 000.00) ang labintatlong (13) pampublikong paaralan sa lungsod.

Sa flag raising ceremony nitong ika-10 ng Marso sa Rizal Triangle Multi-Purpose Covered Court ay inabot nina Vice Mayor Cynthia Cajudo at City Planning and Development Officer Marey Beth Marzan kasama ang mga City Councilors sa mga School Principals ang mga cheke na nagkakahalaga ng tig-isandaang libong piso (P100, 000.00).

Kabilang sa mga pampublikong paaralan na masuwerteng pinagkalooban ay ang Balic-Balic Elementary School, Boton Elementary School, East Bajac-Bajac Elementary School, Ilalim Elementary School, Iram Elementary School, Iram II Elementary School (Mampueng), New Cabalan Elementary School, Old Cabalan Elementary School, Tapinac Elementary School, Gordon Heights National High School, Kalalake National High School, New Cabalan National High School at Sta. Rita High School.

Ang naturang halaga ay bahagi ng School Empowerment Fund bilang tulong at suporta ni Mayor Gordon para sa mga proyekto ng mga public schools sa Olongapo City.

“I hope that the amount granted for the public schools will be utilized for the promotion of education in our city. Education is one of the tools in our pursuit for excellence,” pahayag ni Mayor Gordon.

Magsusumite ang naturang mga paaralan ng mga action plan na magpapakita ng kanilang mga proyektong pang-edukasyon na paglalaanan ng ipinagkaloob na halaga.

Samantala, lubos-lubos ang pasasalamat ng mga guro at principal sa mga tulong na kanilang tinatanggap mula sa city government. Ayon sa kanila, malaki ang nagiging bahagi ng city government sa kanilang mga educational programs at maging sa kanilang mga bayarin sa kuryente, tubig at iba pa.

Magugunitang isa sa mga prioridad ni Mayor Gordon ay ang palakasin ang sistema ng edukasyon sa Lungsod ng Olongapo sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Department of Education sa pamumuno ni Division Superintendent Dr. Ligaya Monato. PAO/jms

Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012