Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, April 24, 2008

CERVICAL CANCER AWARENESS AT NATURAL FAMILY PLANNING MONTH SA ‘GAPO

Higit pang pinaiigting ng Olongapo City Government sa pamumuno ni Mayor James “Bong” Gordon, Jr. ang pagsiguro sa kalusugan ng bawat kababaihan at pamilyang Olongapeño.

Kaugnay sa paggunita ng lungsod sa Cervical Cancer Awareness Month at Natural Family Planning Month ngayong buwan ng Mayo, ilang health programs ang tinututukan ng lungsod upang higit na mapangalagaan ang kalusugan ng mga taga-Olongapo.

Sa inisyatibo ni Mayor Bong Gordon, sa pamamagitan ng City Health Office at ng head nitong si Dr. Arnildo Tamayo, kasalukuyang isinusulong ng lungsod ang pagpapaunawa sa kahalagahan ng pap smear para sa mga kababaihan. Ayon kay Dr. Tamayo, mainam para sa mga kababaihang sexually active na sumailalim sa pap smear para sa early detection at prevention ng cervical cancer.

Bagaman regular nang kasama sa mga health services ng mga Barangay Health Centers sa lungsod ang pagsasagawa ng pap smear para sa mga kababaihan, isinusulong pa rin ng City Health Office ang pakikipag-ugnayan sa mga potential sponsors na tutulong upang makapaglunsad ng libreng pap smear para sa mga kababaihan ngayong buwan ng Mayo.

Kaugnay naman sa paggunita sa Natural Family Planning Month, regular na pagbabahay-bahay tuwing Martes at Huwebes ang isinasagawa ng mga Health Workers sa lungsod upang mabigyang kaalaman ang mga mag-asawa (couples) hinggil sa natural na pagpaplano ng pamilya. Patuloy rin ang Mothers’ Class sa City Health Office para sa mga ina at buntis tuwing Biyernes, alas dos (2:00pm) ng hapon.

Matatandaang ang kalusugan ay nakahanay bilang isa sa mga pangunahing prayoridad ng administrasyon ni Mayor Gordon. Upang higit pang masiguro ang kalusugan ng mamamayang Olongapeño, ipinasa ng Sangguniang Panlungsod ang Ordinance No. 23 (Series of 2007) o Reproductive Health Care Code of 2007 na nagtatalaga ng mga komprehensibong polisiya patungkol sa Reproductive Health Care ng bawat kababaihan, bata, kabataan at pamilyang Olongapeño. PAO/jpb

Labels: ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012