MANGAGAWA NG HANJIN SA SUBIC, PATAY SA MALARIA
Isa na namang manggagawa ng Hanjin shipbuilding project sa Subic Bay Freeport Zone ang namatay sa sakit na malaria noong isang araw.
Nakilala ang panibagong biktima ng sakit na malaria na si Rodel Dulay Ednalaga, 28 taong gulang, may tatlong anak at naninirahan sa Brgy. Aningway-Sakatihan, Subic, Zambales.
Ayon sa kanyang identification card mula sa Hanjin Heavy Industries and Construction Co. Ltd., siya ay isang taon nang nagtatrabaho bilang helper mechanic sa motorpool nito.
Pinauwi si Rodel mula sa kanyang trabaho noong Mayo 13 dahil sa kanyang lagnat at muling ipinatawag sa trabaho noong Mayo 16 para maekasamin sa clinic ng Hanjin.
Ayon sa First Aid Medical Slip ng Hanjin Clinic na may lagda ni D. Gonzales, isang registered nurse ay 10 araw na pala siyang nilalagnat kaya inirekomenda ang karagdagan pang pagsusuri.
Sa kibila ng karamdaman ni Rodel at sa halip na ihatid siya ng Hanjin Clinic ay mag-isang nagtungo si Rodel sa Municipal Health Center ng Subic. Doon nga ay nalaman sa isinagawang blood examination na siya ay may malaria.
Noong Linggo Mayo 18 ay saka pa lamang siya dinala ng kanyang pamilya sa San Marcelino District Hospital at dahil lalong lumalala ang kanyang karamdaman ay nagpasya ang pamilya na ilipat siya sa James Gordon Memorial Hospital noong Mayo 20 at doon na siya namatay.
Hanggang sa mga oras na ito ay wala pa ring anumang naibibigay na tulong ang Hanjin sa asawa ni Rodel na si Gemalyn Pahayahay at sa kanyang tatlong anak na sina Rodelyn, 3, Anthony, 5 at Hazel Rose, 2. Kasalukuyang nakaburol ang kanyang mga labi sa kanilang tahanan sa Brgy. Aningway, Subic, Zambales.
Ayon kay Fidel Ednalaga ay panganay si Rodel sa kanyang tatlong anak sa kanyang ikalawang asawa. Ang kanilang buong pamilya ay nagmula sa Brgy. Baloganon, Masinloc, Zambales.
Noong nakarang linggo lamang, dahil din sa sakit na malaria ay namatay si Mark Anthony Daan, 29 taong gulang at naospital naman ang anim na iba pa na pawang mga taga Brgy. Sta. Rita, Masinloc, Zambales at mga nagtatrabaho sa Less Builders na isang sub-contractor ng Hanjin.
Dahil dito ay nanawagan na si Ramon Lacbain II, Chairman ng Task Force Hanjin sa mga opisyales ng Hanjin, ng Subic Bay Metropolitan Authority, mga lokal ng pamahalaan ng Subic, Olongapo City at lalawigan ng Zambales kasama na ang Department of Health na magsagawa ng mga agarang hakbang upang maiwasan ang susunod pang mamatay o magkakasakit dahil sa malaria.
“Nakakaawa din ang mga pamilya ng mga namamatay o nagkakasakit na mga mangagawa ng Hanjin sapagkat hindi nila alam kung saan sila kukuha ng pera o tulong mula sa Hanjin o sa mga subcontractors nito para sa pampagamot o pampalibing.
Masyadong maliit ang kanilang sinusweldo tapos magkakasakit pa sila at mas matindi pa kung sila’y mamamatay. Minsan nag-iisip na ang mga tao kung talaga bang tulong ang pagdating ng Hanjin dito sa Subic Bay o perwesyo lamang”, ayon kay Lacbain.
Mabuti na lamang at may ibang mga pamilya ang nagpapaabot sa kaalaman ng Task Force Hanjin tungkol sa pagkamatay o pagkakasakit dahil sa malaria ng kanilang mga kapamilya na nagtatrabaho sa Hanjin shipbuilding project, paano na lamang yong hindi na nagpapasabi baka mas marami pa palang maiiulat na apektado ng malaria.
Ayon sa ulat ng National Epidemiology Center ng Department of Health ay talagang endemic ang lamok na may dalang malaria sa tatlong mga barangay sa Subic, Zambales kagaya ng Naugsol, Aningway-Sakatihan at sa Cawag kung saan naroroon ang Hanjin shjipbuilding project na mayroong mga 13,000 mangagawa at patuloy pang dumarami.
Inirekomenda ng nasabing DOH sa Hanjin ang patuloy na pagbibigay kaalaman sa mga mangaggawa nito kung paano makakaiwas sa malaria at gayundin naman ang palagiang pagmomonitor at agarang paggagamot sa mga apektado ng malaria na mga mangagawa nito. Mon Lacbain - Task Force Hanjin

Labels: hanjin, lacbain, malaria, subic, task force hanjin, zambales
1 Comments:
The goverment (Health Department) are responsible to prevent the spread of mosquitos. The city officials can spray all areas infested with mosquitos, as to prevent people from getting the malaria desease.
By Anonymous, at 2/02/2009 12:59 PM
Post a Comment
<< Home