Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Sunday, May 25, 2008

New Garbage Fees IPINATUTUPAD NA

Ipinatutupad na sa Lungsod ng Olongapo ang Ordinance No. 09 (Series of 2008) na may titulong ‘’An Ordinance Prescribing the New Rates of Garbage Collection Fees Imposed by the Environmental Sanitation and Management Office (ESMO)’’ simula noon pang ika-15 ng Abril ng taong it0.

Matatandaan na inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod ang ordinansa noong Pebrero 2008.

Ito ay bahagi ng programa ng Administrasyon ni Mayor James “Bong” Gordon, Jr. upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng Olongapo.

Naniniwala ang Punong Lungsod na ang kalinisan at kaayusan ay magbubunga ng malulusog na mamamayan ng Olongapo. Kinakailangan lamang aniya ng pagtutulungan at kooperasyon buhat sa mga mamamayan at lokal na gobyerno para makamit ito.

Ibinase ang ordinansang ito sa Integrated Solid Waste Management System na sinimulan ni dating Mayor na ngayon ay Senator Richard Gordon.

Ang naturang ordinansa ay nabuo pagkatapos ng maingat at masusing konsultasyon at pagtatanong sa mga mamamayan ng Olongapo. Kasama dito ang mga ordinaryong nagbabayad ng buwis, businessmen, civic ang non-government organizations at mga lider ng barangay.

Pangunahing sponsors ng ordinansa ay sina Olongapo City Councilors Aquilino Y. Cortez at Angelino W. Baloy. by PAO/melai

Labels: , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012