Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Sunday, July 13, 2008

CAREER CARAVAN

Dalawang magkasunod na araw idadaos ng Magsaysay Maritime Corporation ang kanilang paghahanap ng mga kuwalipikadong aplikante para sa iba’t ibang posisyon sa ika-17 at 18 ng Hulyo sa Public Employment Service Office (PESO) sa unang araw at sa Olongapo City Convention Center (OCCC) naman para sa pangalawang araw.

Ang naturang ‘hiring’ na gaganapin mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon ay tinaguriang ‘Magsaysay Career Caravan’. Ito’y naaayon sa isinusulong ni Olongapo City Mayor James “Bong” Gordon, Jr. na pagbibigay ng hanapbuhay sa mga taga-Olongapo.

Mga college graduate ang kinakailangang aplikante kung saan may taas na five feet at four inches mahigit para sa mga babae at five feet at seven inches naman mahigit ang papasang mga lalaking aplikante.

Ayon pa sa Public Employment Service Office (PESO) hindi kinakailangang may mga work experiences ang mga aplikanteng hinahanap ng Magsaysay Maritime Corporation para sa mga posisyong Casino dealers at Cruise Apprentices. Ang mga papalaring pasadong aplikante for apprenticeship ay maaaring i-absorb ng company after 6 months to 1 year na ibabase sa performance ng mga ito.

Nangangailangan rin ang Magsaysay Maritime Corporation ng mga bartenders, waitresses, room attendants, plumbers, electrician at kitchen attendants.

Maaari ring mag-apply ang ibang interesadong aplikante para sa mga posisyon tulad ng English Teachers, IT Programmers, IT Technicians, Yacht Captains at Yacht Mechanics. Ang mga naturang job vacancies ay nangangailangan ng work experiences bilang basehan ng pagkatanggap.

“Ang Magsaysay Shipping Corporation ay taun-taong ring nagbibigay ng entrance examination para sa mga posibleng apprentices sa kanilang mga shipping lines,” ayon kay Evelyn delos Santos, PESO manager. “Ilan sa ating mga maritime schools tulad ng Merchant Marine Academy sa San Narciso at Central Luzon College of Science and Technology (CELTECH) ay may mga naipapasa ng Deck officers at Engine officers sa Magsaysay Maritime Corporation taun-taon,” dagdag pa niya.

“Sa kasalukuyan may ilan ng mga ship officers ang mga school na ito sa mga barko na pag-aari ng Magsaysay Shipping Corporation,” pagtatapos ni delos Santos.

Para sa iba pang impormasyon hinggil sa Magsaysay Career Caravan, magsadya lamang sa Public Employment Service Office (PESO) sa likod ng Olongapo City Hall.

PAO/melai

Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012