Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Sunday, July 13, 2008

TRAINING PROGRAM FOR YOUNG LEADERS, ISASAGAWA SA JAPAN

Ang Office of Asian and Pacific Affairs (ASPAC) ng Department of Foreign Affairs (DFA) ay nagsisimula nang tumanggap ng mga aplikante sa gaganaping Training Program for Young Leaders (TPYL) sa Japan. Ang nasabing training ay may dalawang kategorya: ang Economic Development Category, na gaganapin sa ika 10 hanggang sa ika-27 ng Nobyembre at ang Information Communication Technology (ICT) na gaganapin naman sa ika-13 hanggang ika-30 ng Oktubre 2008.

“Ang oportunidad na ganito ay hindi dapat pinalalampas ng mga kabataan dahil dito, magkakaroon sila ng mas sapat at mas mainam na karanasan at kaalaman upang maging mga susunod na lider ng bayan,” pahayag ni Mayor James “Bong” Gordon Jr.

Sinimulan ng Japan International Cooperation Agency (JICA), na siyang magsasagawa ng naturang training, noong 2007 ang pagbibigay ng training sa mga susunod na ‘nation-builders’ ng mundo. Iniimbitahan nila ang mga kabataan upang malinang nila ang kanilang mga kakayanan na magkaroon ng mga bagong kaalaman at karanasan.

Ang mga aplikante ay dapat na 20-35 taong gulang, physically at mentally fit, hindi pa nakapunta o tumuloy sa Japan, may kinalaman sa aaplayang kategorya, preferably, may permanenteng posisyon na sa loob ng dalawang (2) taon at walang kasalukuyang aplikasyon sa ilalim ng isa pang scholarship program.

Para sa karagdagang impormasyon o pag-sumite ng aplikasyon, maaring pumunta sa Olongapo City Hall sa Mayor’s Office.

PAO/Don

Labels: , , , , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012