Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, July 15, 2008

Mga pasahero ng barko lagyan din ng ‘name tag’ – Gordon

Matapos maghain ng panukalang batas na naglalayong gawaing mandatory ang pagsusuot ng name tag para sa mga mangingisda upang madaling makilala ang mga ito sakaling lumubog ang kanilang sinasakyang bangk o fishing vessel, iginiit naman ni Sen. Richard Gordon na dapat magkaroon na rin na “name tag” o bracelet na maaring pagkakilanlan ang mga pasahero ng barko.

Ayon kay Gordon, kung gagawing mandatory ang pagsusuot ng name tag o bracelet kung saan nakasulat ang mga detalye ng mga pasaheronh sumasakay ng barko, hindi na magiging mahirap ang pagkilala sa mga ito sakaling magkaroon ng sakuna sa sinasakyan nilang barko.

Sinabi ni Gordon na kalimitan na nagiging problema ang pagkilala ng biktima lalo na’t kung naaagnas na ang mga ito.

Kung mayroon aniyang name tag o bracelet na suot ang mga pasahero mas magiging madali para sa pamilya ng mga biktima ang pag-uwi sa bangkay ng kanilang mga kamag-anak.

Naniniwala rin si Gordon na kaakibat na ang panganib sa paglalayag sa karagatan lalo na’t kung may bagyo o masama ang panahon.

Bukod sa pangalan ng pasahero, ilalagay din sa name tag ang blood type ng biktima at religious affiliation nito upang mailibing kaagad kung kinakailangan.

Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012