3 giant telecom firm binantaan ni Gordon
Binantaan kahapon ni Senador Richard Gordon ang tatlong higanteng telecommunication company sa bansa na sinisingil sa mga consumer para sa kanilang local stext messaging service.
Ito ang naging reaksyon ng senador sa No Holds Barred media forum sa National Press Club, kung saan ay idiniin niya na ang paglikha ng Health and Education Acceleration Program (HEAP) ang nalalabing paraan para mailigtas ang bansa sa kumunoy ng krisis sa edukasyon at kalusugan na kinasasadlakan na nito ngayon.
“Ang paglikha ng HEAP ay magpapalakas ng polisiya ng pamahalaan tungo sa pagkakaroon ng mataas na uri ng edukasyon ang pinagandang serbisyung pangkalusugan,” wika ni Gordon habang idinagdag pa na mayroong malaking pangangailangan para sa makabagong pagtalakay sa paggamit ng pagpopondo para sa mga programa ng edukasyon at modernisasyon ng kalusugan.
“Ang bansa ay nahaharap sa sanlaksang suliranin subalit wala nang bibigat pa sa kritikal na kondisyon ng ating sistema ng edukasyon at mahinang delivery ng basic health services para sa lumalaki nating populasyon,” ayon sa senador.
Idiniin niya na ang dalawang problemang ito ay mga dambuhalang balakid ng pumupigil sa pag-unlad ng bansa.
“Ito ang dahilan kung bakit isinulong ko ang Senate Bill 2402, na may panukalang sa halip na ibaba ang halaga ng komunikasyon sa pamamagitan ng pagpapababa ng access charges, imamantime na lamang ang kasalukuyang singil subalit kokolektahin ng pamahalaan ang 50 porsyento ng revenue nito para sa pagpopondo ng HEAP,” ani Gordon.
Para sa layuning ito, amg panukalang batas ay magtatatag ng HEAP Corporation na siyang mangunguna sa rehabilitasyon at pagpapaganda ng imprastruktura ng edukasyon at kalusugan sa bansa.

Labels: HEAP bill passage, senator gordon, telecommunications
0 Comments:
Post a Comment
<< Home