MAHIGIT SA 1,500 RESIDENTE NG ZAMBALES AT OLONGAPO NAGHAHANGAD NA MAKAPAGTRABAHO SA ABROAD
Subic, Zambales. Mahigit sa 1,500 residente ng Zambales at Olongapo ang naghahangad na makapagtrabaho sa abroad matapos na sila ay lumahok sa anim na araw ng jobs for abroad fair na ginanap mula Nobyembre 10 hangang 15 sa Olongapo City at sa mga bayan ng Subic, San Felipe, Iba, Masinloc at Sta. Cruz.
“Layunin ng ilang araw na jobs fair na ito na mailapit ang isang employment agency kagaya ng YWA sa mga taga Zambales at Olongapo para hindi na sila mamasahe patungo ng Manila para mag-apply”, ayon kay dating bise gobernador ng Zambales Ramon Lacbain II na siyang nanguna sa proyektong ito.
“Halos tig-P1,000.00 o higit pa ang natipid ng bawat applicant kaya sa kabuoan ay masasabing mahigit pa sa halagang P1.5 milyong piso ang naitulong ng proyektong ito sa mga lumahok”, dagdag na pahayag ni Lacbain.
Ang jobs fair na ito ay joint project ng Zambales War Against Poverty (ZWAP) Foundation Inc. at YWA Human Resource Corp. sa pakikipag-ugnayan sa tanggapan ni Zambales Governor Amor D. Deloso at sa mga Public Employment Service Offices ng iba’t-ibang mga bayan at lungsod.
Mga trabaho para sa mga engineers, shipbuilders, masons, carpenters, electricians, heavy equipment operators, nurses, midwives at marami pang iba sa mga bansang Canada, Australia, Middle East, Korea, Guam, New Zealand at iba pa ang mga naghihintay na sa mga applicants.
“Hindi kagaya ng mga dating jobs fair, ang mga applicants ay hindi pa rin kinakailangang magtungo sa Manila para kumpletuhin ang kanilang mga kulang na mga requirements sapagkat maari nila itong ipasa sa mga distribution centers ng Botika Natin sa Nayon sa mga bayan ng Subic, San Felipe, Iba, Masinloc, Sta. at sa lungsod ng Olongapo”, sabi pa ni Lacbain na siyang executive director ng ZWAP Foundation.
Sinabi pa ni Lacbain na ang mga distribution centers ng Botika Natin sa Nayon sa mga nabanggit na bayan ay gagawin na rin mga employment assistance centers para matulungan ang maraming mga mamamayan na magkaroon ng trabaho hindi lamang sa abroad kundi maging sa Pilipinas bilang pinaka-epektibong paraan ng paglaban sa kahirapan.
Ayon naman sa presidente ng YWA na si Acela ‘Nick’ Quibrantar ay kasalukuyan nilang inaasikaso ang mga requirements para sa pagtatayo ng kanilang Subic Bay branch sa Olongapo City sa tulong ng ZWAP Foundation upang lalong mailapit nila ang kanilang serbisyo sa mga residente ng Subic Bay Freeport Zone at sa mga lalawigan ng buong Central Luzon.
Nakatakda pang magsagawa ng iba pang joint project ang ZWAP Foundation at YWA tulad ng medical-dental missions, technical trainings, mobile passporting at marami pang iba para sa kapakinabangan ng mga mahihirap na mamamayang Filipino. By Ramon Lacbain

Labels: jobs, labor, Olongapo City, POEA, Subic Zambales, zwap
0 Comments:
Post a Comment
<< Home