Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Wednesday, August 10, 2005

CSWDO: Dumamay sa mga NA-Demolish

Agarang binisita ng Olongapo City Social Welfare Development Office (CSWDO) ang lugar ng Purok 7, Maliwakat, New Cabalan kung saan may tatlumpu’t limang (35) pamilya ang nawalan ng tahanannang isagawa na ang demolisyon ng mga kabahayan na na-squat sa nasabing lugar. Isinagawa ang demolisyon nitong ika-2 ng Agosto, 2005.

Bagama’t legal at naabisuhan ng maaga ang mga pamilya, ang araw na ito ay nagging kabigla-bigla pa rin sa mga nawalan ng bahay. Kasama si Sheriff Leandro Madarang, isinagawa na ang pag-aalis ng mga kabahayang yari sa kahoy at konkreto.

Bilang pagkalinga ng lokal na pamahalaan, tumungo ang ilang tauhan ng CSWDOsa pangunguna ng head nito na si Gene Eclarino, upang magbigay ng counseling sa mga apektado. Ipinaliwanag nila Eclarino ang kahalagahan ng pagtutulungan at pagkaka-isa ng pamilya sa panahon ng kagipitan. Bilang maliit din na tulong, nagpamigay sila sa 35 pamilya ng mga relief goods na mairaraos para sa 2 araw na pangangailangan.
“Narito kami para bigyan sila ng tulong sa pagkakataong ganito. Bagama’t short-term ang dala namingfood assistance, ang isinagawa namin ay para mapatatag ang kanilang kalooban.” Ani Eclarino.
Ang Barangay Chairman ng New Cabalan na si Alejandro Ubungen ay nag-alok namanng evacuation center sa kalapit na barangay outpost sa Maliwakat at ang palengke sa Purok 3 New Cabalan para sa mga pamilyang walang matutuluyan

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012