Impluwensiya ni Diaz ginamit daw, Anna Leah dismayado
RYAN PONCE PACPACO, Taliba
NAGHINALA si Viva Hot Babe Anna Leah Javier na naimpluwensiyahan umano ni Zambales Rep. Antonio Diaz ang Department of Justice (DoJ) kaya ibinasura ang kanyang sexual harassment at oral defamation cases laban dito.
Sa panayam ng Taliba, sinabi ni Javier na hindi malayong nama-yagpag umano ang pagiging kongresista ni Diaz para tiya-king maibabasura ang mga reklamo.
"With the system that we have and the congressman is in the position, it is expected" ani Javier na umaming sa mamamahayag na ito lamang niya nalaman ang naging desisyon ng DoJ.
Magugunitang inireklamo noon ni Javier at Remedios 'Baby Bueno' Coady si Diaz ng pangmo-molestiya umano matapos imbitahan sa birthday bash ni Zambales Gov. Vic Magsaysay noong Enero 20, 2005.
Bilang buwelta
“With the system that we have and the congressman is in the position, it is expected.”
kay Javier, sinabi naman ni Diaz sa hiwalay na panayam na walang basehan ang panibagong akusasyon ng miyembro ng Viva Hot Babe na ginamit nito ang posisyon para maibasura ang reklamo.
Sinabi ni Diaz na inaasahan ang desisyon ng DoJ dahil talaga namang walang katotohanan ang mga paratang laban sa kanya at nais lamang si-yang kuwartahan.
Nanindigan si Diaz na panahon na para harapin naman ni Javier ang kanyang isinumiteng libel case sa korte sa Iba, Zambales at perjury sa korte sa Quezon City dahil nakinabang na ito sa biglaang pagsikat sa showbiz.
"I am expecting such a decision, kinukuwartahan lamang ako ng mga iyan. Harapin naman nila ngayon ang aking mga ikinaso. Tumigil na siya sa walang basehang akusasyon dahil kumita na siya (Javier) at sumikat pa," ani Diaz.
Pinag-aaralan naman ni Javier kung iaapela ang desisyon dahil hindi pa nito nakakausap ang kanyang mga abogadong sina Attys. Allan Amazona at Rey Dinsay habang isinusulat ang balitang ito kahapon.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home