Mrs. Konghun at 2 pa nasawi, 16 sugatan sa mga banggaan sa NLEX
Tatlo katao ang patay habang 16 iba pa ang sugatan sa mga banggaan ng mga sasakyan sa North Luzon Expressway nitong Miyerkoles ng hapon.
Nakilala ang isa sa mga nasawi na si Elmo dela Cruz, driver ng Genesis Bus, Mrs. Josephine Konghun, maybahay ng mayor ng Subic, Zambales at isa pa nakinilala bilang kanyang sekretarya.
Samantala, patuloy na kinikilala ang mga sugatan na isinugod naman sa Bulacan Provincial Hospital.
Ayon sa mga ulat, bandang 2 p.m. nagsimula ang mga banggaan sa pagitan ng Pulilan at Sta. Rita exits ng NLEX.
Unang tumimbuwang ang isang Toyota Hi-Ace van na minamaneho ng isang Gilbert Misa nang dumulas ang gulong nito dahil sa basang kalsada.
Bunga ng aksidente, napilitang magpreno nang biglaan ang nasa likuran ng van na isang 10-wheeler truck. Sumalpok sa trak ang bus na minamaneho ni de la Cruz.
Apat pang sasakyan ang nasangkot sa mga banggaan kabilang ang isang Isuzu Trooper at isang six-wheeler truck.
Ayon sa mga ulat, karamihan sa mga sugatan ay mga pasahero ng bus

0 Comments:
Post a Comment
<< Home