MASAYA ANG SUMMER SA GAPO!
Handa na ang ‘Gapo sa panahon ng Tag-init dahil nag-iinit din ang mga pakulong inihanda para sa ikasisiya ng mga mamamayan nito at mga bisita.
Sa kadahilanang panahon ito ng bakasyon, at inaasahang may malaking bilang ng mga turista at balik-lungsod na dadagsa para mag-beach at mamasyal, abala na ang Olongapo City Tourism Department sa paghahanda ng mga aktibidad sa atas ni Mayor James “Bong” Gordon Jr.
Mula Abril hanggang Mayo, tatlong malalaking summer events ang aabangan. Una ay ang Summer Saya Street Mardigras Party na magaganap sa Ramon Magsaysay (RM) Drive sa Abril 7,8, at 9, 2006. Ikalawa ang Sibit-Sibit Beach Festival na gagawin sa Barreto Beach Boulevard sa Abril 28,29, at 30, 2006. Ang Flores De Mayo Grand Santa Cruzan ay sa Mayo 6, 2006.
Sa unang pasabog na “Summer Saya”, sasarahan muli sa trapiko ang kahabaan ng RM Drive para sa pagdaraos ng mga aktibidad tulad ng Trade Fairs, MIX Flairing exhibition, Happy Ka Kid exhibition, Sayaw Gapo, Tunog Gapo, Fashion Shows, Street Disco Party, at ang Citywide Mega-Bonanza Sale kung saan maraming promotional sales at discounts ang makukuha sa mga restaurants at mga establisyimento.
Sa Sibit-Sibit Festival naman, talaga namang mag-iinit ang panahon dahil sa Beach Bikini Open show, Reggae band shows, Beach Fair, Bangka race, Jetski competition, Rowing competition, at Sailboat competition.
Ang Flores De Mayo Grand Santa Cruzan sa Mayo ay lalakad sa kahabaan ng RM Drive patungo sa Rizal Triangle Covered Court na tatampukan ng mga City Fiesta Queens at inaasahang magtatampok din ng mga bisitang artista.
Dahil ang lahat nang ito ay tourism activities na inaasahang magpapalakas ng kalakalan sa lungsod, ang lahat ng negosyante ay pinaghahanda na rin.
Laging paalala ni Mayor Gordon na “tourism means jobs” at turismo ang main industry ng Olongapo kung kaya’t lahat ng taga-lungsod ay tinatawagang magtulung-tulong para lalo pang palakasin dito ang turismo.
Olongapo City Public Affairs Office

0 Comments:
Post a Comment
<< Home