Sapnu: Mga Mitsubishi Pajeros 'pilipit'?
By Ric Sapnu, Sun Star
KARAMIHAN ng mga Mitsubishi Pajero na tumatakbo sa Pampanga at karatig-lalawigan ay pawang "pilipit" ang mga dokumento.
Ito ang inihayag kamakailan ni Senior Superintendent Napoleon Cauyan, bagong itinalagang regional director ng Regional Traffic Management Office-3 (RTMO3) sa Central Luzon.
Sang-ayon kay Cauyan, sa nakalap nitong intelligence information ay karamihan sa mga tumatakbong Mitsubishi Pajero sa ilang lalawigan sa Central Luzon ay pawang "cut and weld".
Ang ibig sabihin ng "cut and weld" ay iyong serial number ng chassis ng isang kinarnap na Pajero ay puputulin at pagkatapos ay ikakabit naman ang isang chassis, na kung saan ang serial number nito ay kinuha sa ibang Pajero, na hindi "pilipit" ang dokumento, ayon pa kay Cauyan.
Karamihan sa mga kinakabit nilang chassis number ay galing sa mga Pajero na "total wreck" sa mga insurance company. Ang ginagawa ng sindikatong karnaper ay binibili ang nasabing "total wreck" na Pajero tapos ay puputulin ang chassis nito at ikakabit sa kinarnap nilang Pajero, sang-ayon pa kay Cauyan.
Iyong ibang "modus operandi" ng sindikato, papalabasin ng mga ito na ang kinarnap nilang sasakyan ay galing sa mga "importers" kagaya ng sa Subic upang maging legal o maaayos ang mga dokumento nito, dagdag pa ni Cauyan.
Hindi lang mga Pajero ang may "pilipit" na dokumento na tumatakbo ngayon sa ating kalsada; maging iyong mga Toyota Land Cruiser na bagong modelo at iba pang uri ng mamahalin na sasakyan ay mayroon ding "pilipit" na mga papeles, ayon pa sa RTMO3 chief.
Sa kasalukuyan, mino-monitor ng RTMO3 ang lahat ng nagbebenta ng mga "used car" (second-hand vehicles) sa Central Luzon, partikular sa Pampanga dahil ganito ang modus operandi ng mga big-time syndicate na carnappers.
Sa Pampanga ay parang kabuteng nagsulputan ang mga nagbebenta ng second-hand vehicles at magtataka ka sa mga nagtitinda kung saan nila kinukuha ang mga binebenta nilang sasakyan, lalo na yung mamahalin at "latest model" pa ang mga ito.
Maraming nalalaman si RTMO3 chief Cauyan sa "modus operandi" ng mga karnaper dahil galing siya sa "Limbas" ng Traffic Management Group.
Ang "Limbas" ay "experto" sa mga karnaper at ang nasabing grupo ang kinatatakutan ng mga Big Time Carnaper.
Sa pagkatalaga ni Cauyan sa Central Luzon, kanyang susugpuin insidente ng karnaping sa rehiyon. Abangan po natin ang kanyang inihayag...

0 Comments:
Post a Comment
<< Home